Dennis Trillo, special guest sa birthday party ni Cristine Reyes
Article posted February 09, 2010

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Nagkabalikan na ba sila? Ito ang tanong ng mga bisitang dumalo sa birthday bash ng sexy actress na si Cristine Reyes noong Biyernes, February 5, nang dumating sa event ang ex-boyfriend nitong si Dennis Trillo.

Tweetbiz host Tim Yap, a close friend of Cristine, organized the said party. Ginanap ito sa Encore Bar na dating kilala sa pangalang Embassy. Ayon mismo kay Tim, sweet na sweet sina Dennis at Cristine nang gabing 'yun at game pang nagpakuha ng litrato kasama ang kanilang common friends. "Personally, I believe na sila na nga ulit although hindi pa lang sila umaamin," say pa ni Tim.

A couple of weeks back, namataan din ang dalawa outside Fiamma Bar in Makati City ngunit itinanggi nila ang balitang balikan. Ayon sa dalawa, nagkataon lang daw ang pagkikita nila roon.

Iginiit pa ni Cristine na close lamang talaga siya sa kapatid na babae ni Dennis kaya't may mga pagkakataong lumalabas siya kasama ang mga ito.

Nauna rito, nabanggit ni Dennis sa press noong December na wala pa siyang ex-girlfriend na binalikan at never siyang nakikipagbalikan sa mga dating naging kasintahan.

Ngunit kung pagbabatayan daw ang kanilang closeness these days tulad nang nangyari sa party ni Cristine, tila hindi malayong madugtungan ang kanilang naudlot na relasyon. -- Tweetbiz

TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.

Comment   Email This  
| More



Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.