Dingdong Dantes, mamamanhikan na nga ba?
Article posted February 02, 2010

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Tiyak na ang pag-alis ngayon, February 2, nina Dingdong Dantes at Marian Rivera patungong Dubai. Special guests ang dalawa sa concert ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Mula Dubai ay planong tumuloy ng dalawa sa Madrid, Spain kung saan nakatira ang ama ni Marian.

Marami tuloy ang nagtatanong: mamamanhikan na nga ba si Dingdong sa ama ni Marian? Ngiti lamang ang isinagot ng dalawa nang makapanayam ng Tweetbiz kahapon, January 31.

Ayon kay Dingdong, plano rin niyang dalawin sa Spain ang isa niyang tiyahin na mahigit 30 years nang nasa Madrid.

Hanggang ngayon ay wala pang tuwirang pag-amin ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon. "What you see is what you get" ang paglalarawan ng press people na saksi sa pagiging sweet nila sa isa't isa.

Nang usisain ng Tweetbiz kung kailan sila officially naging mag-on, wala ring maisagot ang dalawa. Ang mahalaga anila ay masaya sila at matatag ang kanilang relasyon.

Kamakailan ay nabalitang nagkaroon ng "secret marriage" sina Marian at Dingdong na mabilis namang itinanggi ng binata. Hindi umano niya mamadaliin ang pagpapakasal at sa halip ay paghahandaan niya itong mabuti dahil sa kahalagahan ng naturang okasyon.

Pagbalik nina Marian at Dingdong mula Europe ay sisimulan na nila ang taping ng Kapuso adaptation ng Koreanovela hit na Endless Love, kung saan balik-tambalan na naman sila. -- Tweetbiz

Comment   Email This  
| More



Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.