Article posted February 01, 2010
Rating:
Nang makaharap ni Iwa Moto ang members ng entertainment media sa isang press conference, hindi naiwasang tanungin siya tungkol sa estado ng relationship nina Marian Rivera at Katrina Halili, her co-stars in "Darna." Nagkaayos na nga ba ang dalawa matapos ng kanilang rumored conflict noon? Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.
"Sa set? Mas nag-uusap nga silang dalawa kaysa sa akin e!" Yan ang bunyag ni Iwa Moto nang tanungin siya ng press kung kamusta na ang Darna co-stars niyang sina Marian at Katrina.
She tells the press na friends niya ang dalawa, kaya "sobrang happy" siya. "Kasi gusto ko, both of my friends are okay. Ayaw ko ng may gulo sa set."
Pero sino ba ang mas matimbang sa dalawa para sa kanya, in terms of friendship. "Matimbang silang pareho sa akin," Iwa quickly answers.
Matatandaan na Iwa became close to Marian Rivera nang magsimula ang kanilang Darna taping, kung saan halos lahat ng eksena ay magkasama sila. Samantala, ang friendship naman nila ni Katrina Halili ay pinagtibay ng sangkatutak na intriga na pinaglalaban sila sa isa't-isa.
Iwa tells the press na "Natatawa lang kami [ni Katrina]. Kasi nga, lalo kaming nagiging close, the more na pinag-aaway kami."
So paano nasabi ni Iwa na matimbang pareho sina Marian at Katrina sa kanya?
"Marian is like my best friend," Iwa explains. "And Katrina is like my sister." And Iwa doesn't want other people reading more into this than that. Pero dahil hindi pa rin maiwasan itanong sa kanya, Iwa further clarifies na sister ang turing niya kay Katrina dahil pareho silang galing sa StarStruck family, at pareho silang hina-handle ng director na si Rommel Gacho.
At wala namang issue kung ano pa mang klaseng friendship ang bansag ni Iwa sa kani-kanilang mga relationships. Ang masasabi na lang ni Iwa ay, "Masaya ako na nakita ko silang nagba-bonding."
















