Article posted January 29, 2010
Rating:
Pagkatapos maibalita sa Tweetbiz na may nakakita raw na naghalikan ang dating mag-boyfriend na sina Richard Gutierrez at Georgina Wilson, mabilis na tinanong ni Tweetbiz paparazzi Gorgy Rula ang ina ni Richard na si Annabelle Rama tungkol sa real score ng dalawa. Amused daw si Tita Annabelle nang sagutin niya ang isyu.
"Hindi ko alam, dong! Alam mo naman, hindi ko pinapakialaman ang mga 'yan pagdating sa lovelife nila," sagot ni Tita Annabelle. In fact, may balak din daw si Georgina na mag-showbiz at kung sakali baka si Tita Annabelle rin ang mag-manage sa kanya.
Pero nothing is for sure yet kahit daw ang balikang Richard at Georgina. Baka naman daw super happy lang si Richard dahil si Georgina mismo ang nag-asikaso sa birthday party ni Richard at ng twin brother nitong si Raymond last week. -- Tweetbiz
TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.
-
1. Posted by rouela_wella08
on January 29, 2010
Bkikt kaya pinipilit ng iba yung tapos ng relasyon ni chard at meron na syang bagong relasyon ngayonat saka cguro kpag tapos na sa knya ang isang relasyun hnd nya ito ba2likan diba gnun lang ka simple yun at kung naktagpo na sya ng mas mahal nya at totoong mahal na mahal nya gnun lng ka simple at si KC CONCEPCION yun diba tita ANNABELLE korek ba dai.....
















