Dahil aprubado kay Nadia Montenegro, Mark Herras may pag-asa kay Ynna Asistio!
Article posted January 28, 2010

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Dinalaw ng Tweetbiz ang story conference ng bagong primetime soap ng GMA, ang Diva, na ginanap sa 4th floor ng GMA annex building noong Linggo, January 24. Present ang main cast ng nasabing teleserye na pinangungunahan nina Asia’s songbird Regine Velasquez, Glaiza de Castro at Mark Anthony Fernandez.

starsNandoon din sina Mark Herras, Ynna Asistio, Jay Aquitania at Jaya na may mga gagampanang mahahalagang papel sa Diva. Dahil menor de edad pa, sinamahan si Ynna ng kanyang talent manager na si Annabelle Rama at inang si Nadia Montenegro.

Speaking of Mark, pansin na pansin ang tila hindi masyado paglapit ng binata sa rumored girlfriend niyang si Ynna sa nasabing storycon. Ito ay dahil mahigpit na guwardiyado ang dalaga ni Nadia mula sa conference room hanggang sa elevator ng GMA building.

Ganunpaman, hindi rin maitatanggi na maganda ang relasyon ni Mark sa pamilya ni Ynna at ito ay kitang-kita sa maayos na pakikitungo ni Nadia sa binatang aktor. Nang ma-corner ng Tweetbiz si Nadia, klinaro ng dating aktres na hindi pa mag-on sina Mark at ang kanyang dalaga.

"Mahal na mahal ko si Mark, alam niya iyon," ayon kay Nadia na nakangiting nagsabing welcome si Mark na manligaw kay Ynna kung maganda ang intensiyon nito sa kanyang anak.

Dugtong pa ni Nadia: "If it's just gonna be a showbiz issue na para pag-usapan lang… pero hindi eh. Sa totoo lang, it’s a concern of the family kasi mahal namin si Mark. Ynna is my daughter and we want the best for her."

Bago nagpaalam si Nadia ay may binitawan pa itong salita para kay Mark na tila nagpapahiwatig ng kung ano ang tunay niyang saloobin bilang ina ni Ynna.

"Marami pang kailangang gawin si Mark para mapatunayang okay na. Kailangan ko munang makita iyon, pero malaki ang pag-asa niya." -- Tweetbiz

TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.

Comment   Email This  
| More



Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.