Article posted January 27, 2010
Rating:
Ikinagulat ng marami ang paglipat ni Claudine Barretto sa bakuran ng GMA-7 mula sa ABS-CBN. At ngayon excited na siya sa kanyang first project bilang certified Kapuso.
Sa interview ng Tweetbiz, sinabi ni Claudine na isang weekly drama raw ito kung saan gagampanan niya ang iba't ibang istorya ng controversial Pinays katulad ni Marlene Aguilar-Pollard, ang ina ng murder suspect na si Jason Ivler.
Patungkol sa rumored project niya na remake ng Jewel In The Palace, sinabi ng asawa niyang si Raymart Santiago na hindi pa raw ito kinukumpirma ng GMA executives. Sa Internet lang daw niya ito nababasa.
With regards to Claudine's upcoming movie with her ex-boyfriend Mark Anthony Fernandez, hindi pa raw muna ito matutuloy dahil sa conflict of schedules ng dalawang bida. Matatandaang nagkatampuhan sina Claudine at Mark dahil dito, pero sa tulong ni Raymart, napag-usap niya raw ang mag-ex na nauwi sa kanilang pagbabati.
Nang hingan ng komento si Claudine tungkol dito, ang sabi lang niya sa Tweetbiz cameras, "Bye!" -- Tweetbiz
TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.










