Article posted January 26, 2010
Rating:
Lumabas sa isang tabloid ang artikulo na tumutukoy kay Aljur Abrenica bilang kapalit daw sa trono ni Richard Guttierez as Primetime King. Si Aljur daw kasi ang bini-build up ng GMA Network na umano’y papalit kay Richard.
Sa presscon ng The Last Prince ay tinanong ng Tweetbiz si Aljur tungkol dito. Ang sabi ng binata ay hindi pa naman daw siguro ganun ang level niya katulad ng Richard Guttierez. Wala pa daw siya sa kalingkingan ng mga narating na ni Richard.
Dagdag pa ni Aljur, “Marami pa po akong dapat patunayan bago ko maabot ang naabot ni Richard. Hindi ko po habol ang trono o anumang titulo, ang sa akin po ginagawa ko po lagi ang best ko sa lahat ng projects na ibinibigay sa akin.”
Matatandaang nagkaroon ng intriga kina Aljur at Richard noon na nasangkot sa confrontation sa isang bar. Pero nagkaayos na rin naman daw sila.-- Tweetbiz
TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.
-
1. Posted by 26abby26
on January 31, 2010
hey!!! go ALJUR!! bqt ang taba na ni RICHARD??? i'm always watch TLP and FULL HOUSE go ALKRIS!!! and RICHEART??? haha!! more power!! gwapo mu ALJUR!!!
-
2. Posted by t_e_s_s_a
on January 27, 2010
c richard lang po ang primetime king uala ng iba
-
3. Posted by t_e_s_s_a
on January 27, 2010
nku ualang hi2git kay richard gutierrez.. sya lang ang primetime king ng gma...tpos
-
4. Posted by Hiddenrhods
on January 27, 2010
Pwede maging kapalit but it's unfair to RICHARD title niya yan sana naman ibang title nalang... I LOVE THEM BOTH AND SO WITH DING DONG DANTES... AND I WANT TO TELL YOU THIS ONLY KAPUSO STARS LANG ANG TUNAY NA BITUIN SA PUSO KO WALA NANG IBA I AM TRULY A KAPUSO... LOVE YOU ALL KAPUSO STARS.... GO HIGHER KAPUSO...........
















