Article posted January 23, 2010
Rating:
Isa si LJ Reyes sa mga pinalad na 'StarStruck' alumna, pero aminado rin siya na isa siya sa mga wala talagang alam sa competition when she joined the reality artista search more than five years ago! Kaya naman nang makausap namin siya about this season's batch of artista hopefuls, LJ admits to being amazed at how showbiz-savvy they are! Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.
"Down to eight! Mabilis na 'yung pacing niyan." Nang kausapin ng iGMA.tv si LJ Reyes regarding StarStruck V's remaining contenders, hindi niya naiwasang mag-recollect na rin sa kanyang time in the competition.
"Nung down to eight na lang kami, parang ano na kamipagod na kami." LJ says the competition really takes a lot out of a person, kaya naman ang advice niya ngayon sa mga natitirang survivors"they have to work even harder, kasi hindi ganoon kadali 'yung pinapagawa sa kanila."
Natutuwa si LJ sa pinakikitang dedication at passion ng batch na ito ng StarStruck contestants. Sabi nga niya, nung time niya sa show, wala daw siya talagang alam; compared to this batch na, "alam nila kung anong strategy ang gagawin when it comes to voting. 'Yung iba, may mga pictures silang pinamimigay!"
"Tatanga-tanga talaga ako dati," natatawang sambit ni LJ. "Hindi ko talaga alam 'yung mga" She even wondered, "'yung mga kasama ko, may mga ganyan ba?"
LJ notes na "as a whole, mas alam na [ng batch na ito] 'yung mga gagawin nila, because ang dami nang StarStruck na nauna."
LJ's choice
Gaya nang makausap namin si Paulo Avelino, tinanong rin namin si LJ kung mayroon na ba siyang napipisil manalo sa competition.
"Wala pa talaga," inamin sa amin ni LJ. Though she does also say na mayroon na siyang kinatutuwaan sa mga survivors "dahil hindi ko nakikitaan ng attitude. Although some, mayroon talaga." She also admits to us na mayroon siyang mga nakikita na gusto niya munang magbago.
She explains, "kasi once you're here in the business, you would already know and you would see kung sino talaga sa kanila 'yung lalaki 'yung ulo. Who would remain humble? Sino 'yung magha-hard work pa laloganyan. And may nakikitaan naman ako ng potential." Ang kay LJ lang, she hopes na sana habang nasa competition pa lang sila ay mabali na ang mga sungay nila.
"Totoo lang, sa StarStruck ko rin naman natutunan 'yung disiplina sa pagiging artista. It all comes back doon sa root namin sa StarStruck." LJ just hopes na ganito rin 'yung mangyari sa current batch ng show, na maging magalang din sila at marunong tumingin sa pinanggalingan.
Isang pahabol na tip pa ni LJ, always be the first to greet other artistsespecially seniors. "Kahit na gaano ka na katagal, nakakahiya pag mayroong senior artist na kilala mo naman, e siya pa 'yung unang nagpapakilala." Kung siya nga raw, naiiyak pa siya sa tuwa kapag may nakakakilala sa kanya.
Pero sino man daw ang manalo sa StarStruck V, isa lang ang wish ni LJ: "Sana 'yung mananalo this time, sana gumanda rin ‘yung career niya. Tapos, sana 'wag lalaki 'yung ulo [at] sana ma-maintain nila ‘yung pagiging humble nila."
LJ even adds na kapag may gustong i-consult ang Final 14 ng StarStruck V, willing naman silang mga graduates na magbigay nga advice at tumulongespecially her.
Want more of LJ? Catch her on StarStruck ShoutOut weekdays, sa Bubble Gang naman every Fridays, on SOP Fully Charged every Sunday, and beginning Monday, sa Dramarama sa Hapon through Ina, Kasusuklaman Ba Kita?.
Lagi kang updated sa mga ginagawa ni LJ sa Fanatxt! Just text LJ(space)ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
At pag-usapan si LJ at ang kanyang mga projects sa mas pinagandang iGMA forums! Not yet a member? Register here!
-
1. Posted by mrhearth
on February 7, 2010
Eow Pouh ate Lj
-
2. Posted by DraTassy
on January 31, 2010
I hope you will be included in the soap fantasy ENCANTADIA. as one of the leading character in ENCANTADIA, im praying for it.
-
3. Posted by ronkris
on January 30, 2010
i like your article
-
4. Posted by dADa_june9
on January 23, 2010
i like lj lalu na nung she comes out from her shell o pa twitams images geh tuloy mulang yan. teka! ahm di kayang tapatan ng starstruck ung sobrang sikat na pbb bakit di kayo gumawa ng reality show na kawangis neto ahm ung larong pambata '' simon says " ung mga players xempre susundin lahat ng iutos ni simon na xempre di dapat makita ng madlang tao. ahm la lang trip ko lang sabihin yun geh lang.
















