Article posted January 21, 2010
Rating:
Ang 'StarStruck ShoutOut' host na si Paulo Avelino ay natututukan ang mga ginagawa ng current batch of 'StarStruck' survivors. Kaya naman nang makakuha ng pagkakataon ang iGMA.tv, kinuha namin ang opinion niya about the contendersat kung may nakikita na ba siyang winners. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.
Paulo Avelino is very busy these days, lalo pa't magsasabay na ang kanyang StarStruck ShoutOut duties sa taping ng bago niyang soap, ang Ina, Kasusuklaman Ba Kita?. Pero pinaunlakan pa rin niya ang iGMA.tv when we asked him for an update tungkol sa mga natitirang contestants ng StarStruck V.
At ang kanyang shoutout ay: "may angat, pero hindi mo pa rin masasabi."
Paulo notes na ang napansin niya sa current batch of survivors, parang ngayon lang talaga gumagalingor nagpapakitang-gilas. "Like these past few tests, 'di ba?" Balik-tanong niya sa amin.
"For three consecutive weeks yata, puro si Rocco [Nacino] 'yung nanalo e; tapos these past few tests nila, kumbaga nandoon pa rin siya, pero 'yung ibang survivors umaangat [na rin]." Paulo also adds na parang ngayon pa lang nakikita ng mga remaining survivors ang niche nila sa industry.
Paulo would know, bilang isa siya sa mga hosts ng daily update ng StarStruck V sa mga ginagawa ng contestants: mall shows, workshops, challenges and lessons. Sabi nga ni Paulo, siya mismo maraming natututunan sa ShoutOut.
Sa mga nakita na niya sa contenders, we ask Paulo, may napili na ba siyang sariling winner sa natitirang eight contenders? "Mayroon," ang sagot niya sa amin. "Kaso, doble-doble. So hindi pa sure." For Paulo kasi, dalawa ang basehan niya sa pagpili ng sariling bet: "hindi lang sa skills, kundi pati attitude [din] nila."
For sure, mas makakapili na si Paulo, at ang mga viewers na undecided pa, ngayong palapit na ng palapit ang Final Judgment. At para tulungan tayong lahat mamili ng karapat-dapat, keep watching StarStruck ShoutOut Mondays to Fridays, bago mag-Eat Bulaga, pagkatapos ng Kaya Kong Abutin ang Langit, at pagkatapos ng Full House.
Want to get up-to-the-minute updates from Paulo? Subscribe to his Fanatxt service! Just text PAULOA(space)ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
At pag-usapan ang StarStruck V sa mas pinagandang iGMA forums! Not yet a member? Register here!
-
1. Posted by maegel_dota
on February 8, 2010
hai
-
2. Posted by educhan
on January 28, 2010
wow galing
-
3. Posted by ison
on January 20, 2010
HALATANG CRUSH NYA SI SARAH
















