Factor 2, ginamit na ng 'StarStruck' Council
Article posted January 19, 2010

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Simula pa lang ng programa, tinanong na nina Dennis Trillo at Carla Abellana ang council kung sa tingin ba nila ay gagamitin na nila ang Factor 2 sa wakas. All three Council members said no, pero they changed their minds later on nang makita si Sarah Lahbati at Rocco Nacino sa bottom group. Text and Photos by Jason John Lim.

starsSa season na ito ng StarStruck, may limang factors na puwedeng magpabago ng takbo ng competition. Three of the factors have been introduced, and as of January 17, two of them have come into play na.

Factor 3 gave the audience the power to vote out two contestants; at ito ang naging dahilan sa pagkaka-eliminate kina Princess Snell at Piero Vergara. Pero Factor 2 is the power to save—more specifically, it's the power of the StarStruck Council, composed of Lolit Solis, Iza Calzado and Direk Floy Quintos, para ihinto ang elimination night kung sa tingin nila ay hindi deserving ang mga nasa bottom group para ma-eliminate.

And that's exactly what they did nang makita sina Sarah Lahbati at Rocco Nacino sa bottom two.

"Super thankful kami," Sarah says after the live episode. Dagdag niya, she felt blessed din na ginamit ng Council ang Factor 2 to save her and Rocco. "Hindi ko akalain."

Inamin ng dalaga na naging sobrang emotional sila sa stage earlier in the night, "kasi one of us, may chance na matanggal. Siyempre, nakakakaba."

Pero, at the same time, Rocco tells us na this will serve as a wake-up call para sa kanilang dalawa.

"Nakakatuwa na sinabi [ng Council] ‘yun na nakakahinayang," he begins, kaya naman ngayon ay mas pagbubutihan pa nila ni Sarah ang kanilang pakikipaglaban para sa Ultimate Survivor titles. "Ang dami pa naming kailangan gawin, [and] 'yung ginagawa namin ay kulang pa."

He adds, hindi na raw sila puwedeng magpaka-laidback ngayon.

starsThis week, Sarah says magiging mas seryoso sila sa kanilang challenges at sa kanilang workshops. Something Rocco agrees to, dahil come Sunday, kailangan raw nilang dalawa na ma-impress hindi lang ang live audience at ang Council, kundi pati na ang mga fan base nila na nanunuod lang sa kani-kanilang mga bahay.

At sa paggamit ng Council sa kanilang one-time only power to stop the elimination, Rocco says wala naman daw lalaki ang ulo sa kanila ni Sarah. Now, more than ever, mas pressured sila to meet the Council's expectations.

He says, "doble na 'yung effort namin ngayon. Hindi namin hahayaan magsisi 'yung Council sa paggamit nila ng Factor 2."

Sa susunod na elimination night, dalawang contenders na ang puwedeng tamaan ng Factor 1. Factor 1 states na sa ikatlong pagkakasama ng isang contestant sa bottom group, it would mean an automatic elimination for them. And right now, both Ian Batherson and Nina Kodaka have been part of the bottom group twice.

Palapit na nang palapit ang Final Judgment ng StarStruck V! Kaya don't miss the daily happenings sa kanilang quest to be the next Ultimate Survivors every day sa StarStruck ShoutOut. Catch it before Eat Bulaga, after Kaya Kong Abutin ang Langit and after Full House.

At siyempre pa, don't miss the weekly round-up of what happened every Saturday pagkatapos ng Pinoy Records, and the elimination night on Sunday, pagkatapos ng Kap's Amazing Stories.

Vote to keep your choice survivor in the running! Just text STARSTRUCK (space) NAME OF CONTESTANT and send to 2344 for Globe, TM and Sun subscribers, and 367 for Smart and Talk N' Text users. Each vote costs PhP2.00 for Sun subscribers and PhP2.50 for other networks. (This service is exclusive for the Philippines only.)

Or you can also vote through the website StarStruck.TV.

Pag-usapan din ang StarStruck V at ang inyong favorite contenders sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by pau_trez0306 on February 10, 2010
    uhmm tama lang poh ung naging desisyon nyo na gamitin ung FACTOR 2 kina ROCCO at SARAH. lalo na at deserving naman cla..at dapat cla talaga ang mging ultimate FEMALE and MALE survivor..gudluck sa inyong dalawa..especially to ROCCO..galingan moh huh...lagi kitang ivovote thru text and internet..
  2. 2. Posted by gueb_03 on January 19, 2010
    starstruck council, fair kaung mag judge... to princess snell, ikaw pinaka maganda sa lahat kaya lang wala ka nman talent,, sayang!! wag kang susuko mrami pang opportunity...
  3. 3. Posted by sexbomb_4ever on January 19, 2010
    i dont like sarah...!!!! alam ko favorite ito ng mga councils!!!! bastah ako kai diva,rocco and ian....!!! lahat nang taga ormoc leyte go diva and rocco!!!!
  4. 4. Posted by raHyan_383sound on January 19, 2010
    for example n natanngal si rocco o si sarah nung sunday.........parang wala n kuwenta ang starstruck..........kasi sila pa naman dalawa ang running sa pagkamit ng ultimate survivor.....pero ok naman si steven at enzo.....wag lang tlga si Ian at Rox ang manalo......sana matanggal n nga yang dalwa n yan next week...lalo na si Ian...tionanung b namn ng council if ano ang mai-oofer nya sa tao....ang sagot nya wala lang....ay naku po........kaya nga sinabihan na walang talent ni Lolit solis kasi totoo naman n wala talent...
  5. 5. Posted by babylorenab on January 19, 2010
    I really don't like what happened last night at starstruck V elimination night. Very obvious na may favouritism ang mga council. And of course, I know naman kung sino ang favourite nila, OO, nga maganda nga, mukha naman bungalin.

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.