Article posted January 18, 2010
Rating:
Aljur Abrenica may be the Last Prince, ang title role sa pinakabago na fantasy series ng GMA-7, but he wants to clarify one thing: hindi lang siya ang bida sa soap na ito. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.
Malaki ang pasasalamat ni Aljur Abrenica sa pagtitiwala ng GMA-7 sa kanya to carry the title role sa telefantasya nitong The Last Prince, but he wants to clarify one thing:
"Dalawa po kami dito." Aljur is, of course, referring to his love team partner Kris Bernal. Naglabasan kasi ang issue during the press conference na si Aljur lang ang bida sa show, and Kris is nothing more than his support. Aljur explains, "nataon lang po talaga na sa istorya na ginagawa ng writers, ‘yun 'yung pinakamagandang title. ‘Yun lang po kasi 'yung istorya.
"Pero 'yung bida po talaga, kaming dalawa ni Kris."
Isang mahiwagang love story ang The Last Prince, borrowing elements of multiple fairy tales to make one grand story about the power of true love. And in this story, Aljur plays the role of Almiro, ang huling prinsipe, at tagapagmana ng trono, ng kaharian ng Paladino.
Isang mayabang at pilyong binata, Almiro becomes the subject of desire ng isang sorceress, isang itim na diwani, si Bawana (Bianca King). Pero dahil sa pangit na itsura ni Bawana, kamumuhian lamang siya ni Almiro. Ito ang magiging basehan ng sumpa ni Bawana kay Almiro, isang sumpa na magpapapangit sa hambog na prinsipe. At ang tanging makatatalo sa sumpa na ito ay ang tunay na pagmamahal ng isang babaesa pangit niyang anyo.
At ang babae na iyon ay ang character ni Kris Bernal na si Lara.
The dashing prince
To make Aljur look the part of a prince, GMA-7 hired the services of top-notch fashion designers Jerome Ang (an international fashion design competitor) and Aries Lagat (winner of Project Runway Philippines, season 1).
Aljur says of his costume, "[it's] very dashing." He describes his costume as something na talagang prinsipe ang dating niya. Pero he also jokes na may kabigatan ang kalasag na suot niya. That said, "napakaganda ng pagkakagawa [at] napakakumportable" rin daw nito, kaya walang maireklamo ang binata when it comes to his costume.
Pero, paano when the time comes na kailangan niyang tanggalin ang pang-itaas nito? Naiilang ba si Aljur?
"Hindi naman," Aljur replies. "Talagang pinaghahandaan ko rin kung sakaling sabihin na tanggalin 'yung top." In fact, may strict diet na sinusundan ang binata para ma-maintain ang kanyang matipunong pangangatawan ngayon.
The ugly prince
Matapos ng sumpa ni Bawana, mawawala ang pagiging guwapo ni Almiro, ng character ni Aljur. And to make this happen, Aljur explains that he has to undergo a 2 or 3-hour process of putting on his prosthetics. "Ganoon katagal 'yung ginagawa sa mukha."
Para sa ikakaganda ng kanilang palabas, Aljur is happy to put on the mask of an ugly prince. Pero, hindi rin maitago ng binata na naiinip rin siya when they're putting the prosthetics on him. "Minsan whole day ko siyang sinusuot, minsan kalalagay lang tatanggalin na sa susunod na eksena. Mahirap din." Lalo pa't, according to Aljur, the process of taking the prosthetics off also takes 2 hours.
Hindi rin naman magtatagal ang prosthetics ni Aljur. "Mawawala po siya kapag may umibig sa akin na ganoon ang itsura ko," he says in explanation of how to break Bawana's curse. And we could've just imagined it, pero parang excited na si Aljur na mangyari ang may umibig ng totoo kay Almiro.
And ngayong nagkita na ang mga characters nila ni Kris, mukhang hindi na malayo na matapos ang sumpang ipinataw sa kanya ni Bawana.
Sa pagtatapos, Aljur wants to thank the people who have supported him and Kris since their StarStruck days and after. "Sa mga supporters po namin, mga Kapuso, napakagandang blessing po ang natanggap namin ni Kris. Kami po ang nag-opening salvo for 2010. Wala po akong masabi kundi salamat sa inyo."
He also adds, "thank you, thank you talagakay Lord at sa GMA-7."
Nagsimula na ang kuwento ng The Last Prince! Catch the enchanting love story weeknights sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Darna.
Laging maging updated sa mga ginagawa ni Aljur! Just text ALJUR (space) ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
Pag-usapan ang The Last Prince at si Aljur sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
At abangan ang pagbabalik nina Aljur at Kris sa iGMA Live Chat on February 2!
-
1. Posted by mjheann
on January 24, 2010
wow alkris cute nyo nman bagay kau! mga kpampngan nga nman gwapo!ksanting moh aljur kalgu ng kris
-
2. Posted by rheamae04
on January 23, 2010
ang gwapo mo aljur bagay na bagay kau ni kris ligawan mo na sya ako nga pala c rhea mae cauzon panu ko b kau machachat?
-
3. Posted by Alekziah
on January 18, 2010
maybe mas mganda nga kung di "The last Prince" name nung show kasi pede nga siyang mag create ng mga speculation and the title doesn't appeal me really, lalo na't hinde lang naman cya ang prince sa show rin si Eigenman.
















