Article posted January 15, 2010
Rating:
Matapos magpahinga sa paggawa ng fantaserye, muling lilipad sa Mayo si Richard Gutierrez bilang Pinoy superhero na likha ni Mars Ravelo na si Captain Barbel sa Kapuso Network.
Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, bukod sa istorya at mga special effects, dapat ding abangan kung sino ang magiging leading lady ni Richard.
At kahit sa Mayo pa ieere ang pagbabalik ni Captain Barbel, ngayon pa lang ay pinaghahadaan na ito ng GMA 7. Nagsimula na rin ang paunang creative meeting ng fantaserye na dinaluhan mismo ni Richard, kasama ang kanyang ina na si Annabelle Rama.
Dumalo rin sa naturang pulong sina GMA Films President Annette Gozon-Abrogar at Senior Program Manager Reggie Magno. Dahil ikalawang yugto na ito ng Captain Barbel, titiyakin daw ng mga bumubuo ng produksiyon na mas lalong magiging maaksiyon at kapana-panabik ang pagbabalik ng kuwento ni Mars Ravelo.
"I think nakapag-break ako nang matagal-tagal sa mga action sequences, sa mga fight scenes, sa mga fantasy, and now I’m ready to go back. Talagang I’m looking forward to the show," ayon kay Richard sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
"Sobrang excited kami para sa Captain Barbel. In fact, [it is] one of the 60th anniversary special offering this year, so maglo-launch 'to sa May. Tamang-tama para sa summer ngayon pa lang, kahit January pa lang, pinaghahandaan na talaga," idinagdag ni Ms Annette.
Pero bukod sa istorya at special effects, inaasahan na magiging maintriga rin kung sino ang magiging leading lady ni Richard. Ngunit hindi pa muna ihahayag kung sino ang mapalad na katambal ni Captain Barbel.
"Maraming dapat abangan sa Captain Barbel, pati sa istorya, kung pa'no namin iibahin at kung paano pa namin pagagandahin ang Captain Barbel," ayon sa binata.
Habang naghahanda sa muli niyang paglipad, ibinubuhos daw muna ni Richard ang kanyang talento sa mga nalalabing araw sa ginagampanan niyang karakter bilang si Justin sa Full House.
"Talagang pinlano ko 'yon na after Zorro gagawin ko muna yung Full House at magiging normal human being muna ako on tv, after that ang pagbabalik ni Captain Barbel," idinagdag ng aktor.
"Ngayon special treat for his fans na makitang totoong tao siya sa Full House, so enjoy na enjoy naman siya at tuwang-tuwa rin kami dahil ang daming nanood ng Full House at ang daming natutuwa sa show. After this balik fantasy na si Richard," pahabol ni Ms Annette. -- GMANews.TV
-
1. Posted by gail23
on February 20, 2010
yes sa wakas my captain barbell na ulit......and I heard na may napili na new leading ladies.....after hearing this, parang I felt so unfair coz suppose to be na dpat c rhian rammos ulit ang mging leading lady ni rg sa captain barbell.cause after all sya nman ang original and sobrang galing nya nung inihandle nya ung role.....bagay na bagay nya nung naging leah sya and wat more kung sya ulit ang mging leading lady?I'm sure na ms magiging mganda ngaun ang oerformance nya dhil sa mas napatunayan na ang galing nya in acting and must nag improve sya..hindi bt proven na un nung sa sth?....well wala nman project na gnagawa ngaun c ms rhian so why not give it to her the role as one of the leading ladies in cb?pls i'm asking for the executives of gma......pls desrving ni ms rhian ramos ang role..pls give it to her kc tlagang inaabangan nming lhat ang pagkakaroon ni mr. richard and ms. rhian ng comeback project..tlagang inaabangan nmin ang knilang mga project dito sa LA.,.so pls fulfill our dreams as one of your great
-
2. Posted by rouela_wella08
on February 7, 2010
si KC CONCEPCION nalang po ang ipareha nyo kay RICHARD sa CAPTAIN BARBELL PLEASE PLEASE PLEASE mga boss sa GMA please sana po mkpg EX-DEAL ulit kyo ng ABS para sa project ni KCHARD please po sa manager nila KC at CHARD please makagawa po sana kyo ng paraan ng mpagsama ulit sila KCHARD please please please............
-
3. Posted by rouela_wella08
on February 7, 2010
sana bago nmn ang maging leading lady ni chard sa captain barbell pero sana yung magling din sa acting wag yung bagong face pero wala nmn acting talent, yung nahasa na sa ginampanan nilang soap like si NADINE SAMONTE at CARLA ABELLANA na very angelic face maamo at bagay na leading lady parang hnd ma oover power ang pagka captain barbell ni chard sya pa din ang mapapansin pero kung like georgina parang hnd po swak sa captain barbell
-
4. Posted by ugly
on January 25, 2010
sana c jewel mische nalng makasma nya sa captain barbel..nakakamis ksi love team nila.........plssssssssss
-
5. Posted by rouela_wella08
on January 21, 2010
HAPPY HAPPY BIRTHDAY CHARD!!!! stay as HUMBLE,KIND,GENEROUS, ADVENTUROUS and LOVING AS YOU ARE and SWEETHEART to KACE... WE HOPE TO SEE YOU AGAIN TOGETHER ON BIG SCREEN..GOOD LUCK TO YOU!!!!
-
6. Posted by rouela_wella08
on January 16, 2010
Yeheeey!!!!! nakakatuwa khit sa may pa start ng show ni Chard pero excited na kmi na mapanuod sya as super hero CAPTAIN BARBELL, pero sana ang leading lady nya syempre ang gusto nmin si KC CONCEPTION mksm nya sana pde na syang lumipat o ipahiram hehehe! pero anything is possible di po ba? pero kung complicated pdin, sana sila NADINE SAMONTE or CARLA ABELLANA ang bagong leading lady nya tiyak me chemistry sila at bgy n leading lady ni chard pero mas babagay si KC Conception sn pede sya mksm ni chard thank you very much and GOODLUCK to CAPTAIN BARBELL.
















