Article posted January 13, 2010
Rating:
Nauna nang naisulat dito sa Tweetbiz website ang tungkol sa naganap na double elimination sa StarStruck V last Sunday, January 10, kung saan natanggal na nga sa kompetisyon sina Piero Vergara at Princess Snell.
Halatang dinamdam ni Piero ang pagkaka-eliminate sa kanya dahil hindi nga niya napigilang mapaiyak at maging emosyonal nang lumabas siya ng StarStruck stage.
Pati pala ang mga fans ni Piero ay nag-react negatively sa maagang pagkakaalis ng kanilang idol sa Starstruck V.
Balita ngang pati ang StarStruck council members na sina Lolit Solis, Direk Floy Quintos at Iza Calzado ay nakatanggap ng pambabatikos mula sa mga fans.
On her Twitter account, Iza explained her side. In a series of Tweets ipinaliwanag ni Iza na ang malaking porsiyento ng pagkakatanggal ni Piero ay dahil sa Factor 3 o ang kakayahan ng StarStruck Survivors na i-vote out ang co-survivor nila.
Gustong linawin ni Iza na ang council’s decision ay 20% lamang ng total score. Ang 20% ay galing sa resulta ng Factor 3 at 60% naman ay galing sa viewers’ text votes.
In fairness kay Iza, sinabi naman niya na malaki ang potential ni Piero bilang upcoming young celebrity. Kaya posible pa ring maging artista si Piero kahit nawalan na ito ng chance para hiranging StarStruck V Ultimate Male Survivor. -- Tweetbiz
Tweetbiz airs from Monday to Friday, 7 p.m. on Q Channel 11.
-
1. Posted by pimzdioza07
on January 20, 2010
ndi ko nabalitaan na sikat c megan!! LOL
-
2. Posted by bienruan21
on January 19, 2010
Princess Snell is really a STAR to watch out for ds 2010....hope 2 see her soon on GMA telebabad shows. This pretty young lady still has a lot to offer, her determination and character makes her more unique and strong among d Final 14 contenders. Piero is also very promising...Gud luck guys!
-
3. Posted by bienruan21
on January 14, 2010
I already made my first comment regarding ds issue and i'm happy that it was posted. Starstruck is a talent search BUT let me remind all of u that text voting also plays a BIG part of d competition. Rich Asuncion of Batch 4 got amazing talents but failed 2 grab d title of Ultimate Sweetheart bcoz she lacks support thru text voting. Megan Young of Batch 2 was voted out by d council bcoz of her attitude BUT look at her now...Megan is more popular than Ryza and LJ. I still believe that Piero and Princess will have their own share of stardom if and when given d right projects from GMA network. Break a leg Guys!!!
-
4. Posted by prado_xtian4
on January 14, 2010
nawalan na ako ng ganang manood ng starstruck dhil sa nangyaring ito. C piero lng ang pinapanood ko lagi,. he's so talented, has looks.. bkit sya ang natanggal,. at nasaan ang resulta ng mga votes????????????????????malay b namin na niloloko na pala ang mga viewers.
-
5. Posted by beall
on January 14, 2010
hindi naman talaga dapat matanggal si pierro... wala ng challenge sa mga boys... sana naman ang votes ng mga tao at votes ng judges ay pantay... para kasing unfair dahil mayroong mayayaman na survivors eh, for sure they have money to spend much load everyday to vote their relatives, paano naman ang hindi mayaman? just like Pinoy Idol... anong nangyari????? haaayyyyyy...
-
6. Posted by ison
on January 14, 2010
at dahil dyan, may nagtext.... IBALIK SI PIERO!!! WILD CARD NA
-
7. Posted by frann17frann
on January 14, 2010
marami ang nadisappoint sa naging resulta ng factor 3 na toh... talent search ang starstruck diba? pero bakit kung sino pa ang may pinakatalented at pinaka may potential sa guy sya pa ang natanggal... wildcard for Piero!!
-
8. Posted by tjvb
on January 13, 2010
ipinaliwanag ni iza na ang malaking porsiyento ng pagkakatangal ni piero ay dahil sa factor 3 o ang kakayahan ng star struck survivors na i vote out ang co survivor nila???????? napanuod ng buong mundo na ni isa sa mga survivors wlang nag vote out ng piero. lahat ng girls ay nag vote out kay princess snell. at ang boys either enzo or steven. and maliwanag yan na kung sino ang binoto ng survivor ay sya ring bobotohin ng kani kanilang fans. so pano 0% from the survivors at malamang 0% din sa fans. sige sabihin na nating 20% from the judges kasi halata namang ayaw nila si piero dahil sa attitude problem issue. so panu yun? panloloko? scam ulit ni lolit? o tlgang set up lang lahat at wla naman tlgang factor factoran. ksi logically, kung iisipin talagang may mali eh. at tlgang halata ha. kaya gma mag ingat kyo.
-
9. Posted by happyjam
on January 13, 2010
Piero, ikaw ang tunay na star. Kanila na ang title iyo ang staying power sa showbiz. Isa lang masasabi ko sa nag-isip ng Factor 3. Nangopya ka lang sa PBB. Walang originality. lolzzz
-
10. Posted by rovieanne
on January 13, 2010
grabe naman, hindi naman kasalanan ng starstruck staff na si piero ang ma-vote out...maganda nga yung ginawa nila ang factor 3 eh, nagbigay sila ng napakalaking chance na 60% sa mga viewers na mag-vote out ng gusto nilang matanggal. Imposible naman na mga starstruck staff ang bumoto para matanggal si piero. It's the fan's decision na matanggal si piero not the staff's. nagkulang din kayo sa pag-vote out ng survivor na gusto ninyong matanggal, huwag niyo isisi sa starstruck staff at sa council ang pagkakatanggal ni piero. may potential sya, sa lahat ng bagay, kaya hindi imposible na maging artista sya. huwag kayong bitter. at wala kayong karapatan na sabihing hindi sisikat yung mga half pinoy na kasama sa survivor. hindi lang naman sa starstruck magtatapos ang lahat eh, there's always room for improvement.
















