Article posted January 08, 2010
Rating:
Kahit sinasabi na nina Jolo Revilla at Lovi Poe na hiwalay na sila, patuloy pa rin silang pinuputakti ng intriga. Gaya na lang ng nabalitaan ng Tweetbiz na diumano bago pa nangyari ang breakup ng dalawa ay nag-shopping spree daw itong si Lovi courtesy of Jolo na umabot hanggang P250,000.
Dineny na rin kapwa nina Jolo at Lovi ang pagkakaroon ng third party sa kanilang breakup. Pero lumulutang pa rin ang isyu ng third party at ang nali-link daw ngayon kay Lovi ay ang isang politician.
Tinalakay din ng mga resident Tweetmosos ng Tweetbiz ang intrigang pagbibigay ni Jolo ng sangkaterbang regalo sa isang miyembro ng EB Babes, ang all-female dance group ng Eat Bulaga. Pero nakausap naman ng Tweetmosong si Tito Gorgy si Jolo na nag-deny tungkol sa issue na kinasasangkutan niya with the dancer.
Isa pang nali-link ngayon kay Jolo ay si Melissa Ricks, na leading lady ng aktor sa isang TV show. Diumano’y nanliligaw din si Jolo kay Melissa at panay din daw ang pagbibigay ng regalo nito sa aktres.
Dineny naman ito ni Melissa at sinabi pang, “Kami naman ni Jolo we’re just really friends. Siguro yung mga pagbibigay ng regalo niya ay nasa ugali lang niya talaga na generous siya, mabait siya sa mga leading ladies niya. Sinabi niya sa akin ‘yun. Siguro nami-misinterpret lang talaga ‘yung kabaitan niya.”
Nakakaloka naman ang sagot ni Melissa nang tanungin siya kung okay lang bang manligaw sa kanya si Jolo? Aniya, “Baka magselos naman si Lovi.” E di ba hiwalay na sina Jolo at Lovi? “Talaga? Ewan ko. Hindi ko alam. Sa kanila na yun,” painosenteng sagot pa ni Melissa.
Hmm
mukhang may alam si Melissa na hindi natin alam. Lalo na nga’t umuugong din ang tsismis na nagkabalikan na raw ulit sina Jolo at Lovi. Well, aalamin ng Tweetbiz ‘yan--Tweetbiz
TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.
















