Article posted January 08, 2010
Rating:
Super sweet daw ang rumored couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera nang magbakasyon ang dalawa sa Boracay kamakailan. First time daw ni Marian na makapunta sa naturang famous vacation spot kaya naman tuwang-tuwa ang Kapuso Primetime Queen.
Apparently, kasundung-kasundo raw ng lahat ng miyembero ng pamilya ni Dingdong si Marian. Maging ng pet dog nila ay kasundo niya! Wife material pa nga daw itong si Marian dahil maaalahanin ito at masarap pang magluto.
Bagama’t wala pang kumpirmasyon mula kina Dingdong at Marian ukol sa totoong estado ng kanilang relasyon, hindi naman itinatanggi ng dalawa na espesyal ang turingan nila sa isa’t isa. Sabi pa nga ni Marian sa isang interview sa kanya, “Hindi na siguro kailangang i-broadcast kung ano kami. Siguro nakikita naman ng mga tao ang klase ng situwasyon o kung anong klase ng relasyon meron kaming dalawa. So, hindi na kailangang i-broadcast. Siguro mas maganda na rin na tahimik at maayos. Ang importante ay masaya kami at marami ang taong natutuwa kung auman ang meron kaming dalawa.”
‘Yun na! Umamin man sila o hindi, one thing is for sure, super happy silang dalawa sa kanilang island vacation.--Tweetbiz
TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.
-
1. Posted by ronaldjurado
on January 18, 2010
sana kayo na magkatuluyan.....sana may next pa kayong project after endless love...suportahan namin kau sa endless love...gudlak n godbless
-
2. Posted by marian_sky
on January 8, 2010
actions speak louder than words but still a confirmation is necessary. the feeling is compounded kung may action na nga may verbal affirmation pa. i don't wanna be nega pero huwag naman sana matulad sa ibang relationship na kung hiwalay na sila don nalalaman ng public. they don't have to confirm kasi nakikita naman how they care for each other pero bakit kay kaye non dd was so open about it. what' the difference there must be a deeper reason.
















