Article posted January 08, 2010
Rating:
Sa pagpasok ng 2010, GMA-7 is taking us to a magical ride patungo sa kaharian ng Paladin, isang mundong puno ng salamangka, sakripisyoat pag-ibig. Samahan niyo kami sa pagtuklas sa bagong mundong ito, simula January 11, sa GMA Telebabad. Text by Jason John S. Lim. Photos courtesy of GMA Network.
For many years now, GMA Network has provided us with numerous telefantasya series na talaga namang pumukaw sa ating imahinasyon, at kumurot sa ating mga puso. Tulad na lang sa kaharian ng mga Mulawin, sa mahiwagang mundo ng mga diwata sa Encantadia, ang nakabibilib na lahi ng mga taga-Atlantika, pati na ang nakatatakot na kaharian ng Ambograw sa Kamandag at ang domain ng mga engkanto sa Luna Mystika.
And to start the year-long celebration ng 60th anniversary ng GMA Network ngayong 2010, isa na namang mundo ang ating papasukin at mamahalin, ang kaharian ng Paladin sa The Last Prince.
Felipe L. Gozon, President and CEO of GMA Network, invites, "sa pagbubukas ng 2010, may dahilan na naman para tayo ay magsalu-salo gabi-gabisa unang telefantasya na handog namin sa inyo: ang The Last Prince."
Ito ang kuwento ng isang prinsipe na hindi pa handang maging responsable. Forced to become the heir of Paladin, Prinsipe Almiro (Aljur Abrenica) is asked by his parents to find a wifewhich he finds in the enchanting Bawana (Bianca King). Ang hindi niya nalalaman, isang masamang salamangka ang inilagay sa kanyang napupusuan para ito ang piliin niyang maging reyna.
When Prinsipe Almiro finds out about the spell cast on him, he sees Bawana for who she really is: an ugly hag. Kaya naman agad niya itong itatakwilna siya namang ikagagalit nito. Using the powers of a dark diwani (a powerful wizard in the world of Paladin), Bawana curses Prinsipe Almiro to walk the world of mortals na dala ang itsura ng pangit niyang ugali.
She gives him three chances to break the cursemaking sure that it will only be broken if he finds true love that isn't based on trickery. And Prinsipe Almiro finds it in the guise of Lara (Kris Bernal).
Lara is an outcast, suspected na sanhi ng isang trahedyang pumatay sa sarili niyang kamag-anak. When the ugly Almiro helps her out regardless of her 'cursed' status, Lara begins to fall in love with the mysterious stranger from the woods.
Wilma Galvante, Senior Vice President for Entertainment ng GMA Network, explains: "Magmula ng matuklasan namin ang kanilang kakayahan sa StarStruck, sinikap namin hubugin ang kanilang galing at talino upang maging matatag at hindi mapantayan na love team. Napatunayan naman nila na ang kanilang love team ay puwede naman maging magic. Kaya naman sa kanilang panibagong programa, dadalhin nila kayo sa mahiwagang mundo ng The Last Prince. At katulad ng sa mga nagdaang programa nila Aljur at Kris, umaasa muli kami sa mainit niyong suporta sa kanila."
GMA-7 weaves multiple classic fairy tale plots into one magical ride into the world where impossible things happen. And its director, Mac Alejandre, promises one heck of a ride once The Last Prince begins its journey on January 11.
Direk Mac says, "every season or so, a representative from the drama group comes up and welcomes all of you and thanks you for the support you have given GMA Telebabad, GMA drama group, and GMA in general. Sa unang lingo ng taong ito, inuulit ko ang taos-puso naming pasalamat, at ang taimtim naming paghingi ng pagsuporta para sa first salvo ng 2010, ang The Last Prince."
Tuloy niya, "ang Last Prince po ang patunay ng commitment ng GMA drama group, headed by Miss Lilybeth Rasonable, sa ating commitment at paniniwala na ang high-quality entertainment ay kapantay o kaabikat ng creative at technical excellence. Ang Last Prince ay binuo ng most brilliant minds ng creative group ng TV at aming mga manunulat headed by RJ [Nuevas]. We are very, very thankful that we have a very, very gifted cast. Higat sa lahat, ang GMA po ay kilala sa page-eksperimento sa mga genre."
"At sa pagkakataon ito po ulit, tumataya kami sa love team nina Kris at Aljur. Buo ang paniniwala ng drama group na sa pamamagitan ng The Last Prince, they will reign supreme in primetime televisionsa tulong po ninyo, sa paniniwala ninyo, sa patuloy na suporta na pinakita ninyo sa amin these last years. Muli nagpapasalamat po kami sa inyo, at iniimbitihan namin kayong patuloy niyong imbitahan ang mamayang Pilipino na panoorin, sa Lunes na po, ang The Last Prince."
Pasukin ang mundo ng hiwaga at pag-ibig na handog ng The Last Prince, ngayong Lunes na, January 11, pagkatapos ng Darna sa GMA Telebabad.
Laging maging updated sa projects nina Kris at Aljur! Just text KRISB (space) ON or ALJUR (space) ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
Talk about The Last Prince sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
-
1. Posted by emil04darmkh
on January 14, 2010
simula plang ng d lst prince nka2excite n grabe ang ganda ng pilot episode ng d lst prince no.1 pti ang visual effects pang hollywood
-
2. Posted by jovencoritana
on January 14, 2010
wow!!! hanep ang the Last Prince!!! ang galing talaga nina alkris umarte ng bonggang bonggang!!!! keep up the good work!!! ALJUR sana pagpumunta ka ulit dito sa tacloban city eh, makaharap kita!!! excited na ako!!! hehehehe in be half of the Taclobanon's viewer, ngayon palang ay binabati ko na kayo ng bonggang bonggang CONGRATULATIONS!!!!!!
-
3. Posted by ikhouvanjou24
on January 13, 2010
mgandang simula... pa2noorin ko pa poh ito hanggang sa huli! good job! keep it up aljur and kris! God bless!
-
4. Posted by starstruckfanatic
on January 9, 2010
i love it.. excited na talaga ako dito sa new show ng alkris.. =)
-
5. Posted by chelaraine
on January 7, 2010
ppnoorin ko toh ! hihi !
















