Kris Bernal, tinawanan ang collagen beauty issue!
Article posted January 07, 2010

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Sinasabing pag hitik sa mga bunga ang isang puno ay binabato ito. Ganito rin sa showbiz, kapag ang artista ay sinusuwerte sa kanyang career at sunud-sunod ang projects. Siya ang kadalasang binabato ng intriga! At ito ang situwasyong kinakaharap ngayon ng tinaguriang Kapuso Drama Princess na si Kris Bernal.

Noong 2009, bumaha ng blessings para sa career ni Kris at nagtuluy-tuloy pa rin ito ngayong 2010. Sa January 11 nga ay magsisimula nang mapanood ang latest primetime telefantasya ng GMA na “The Last Prince,” na pinagbibidahan ni Kris kasama ang ka-loveteam niyang si Aljur Abrenica.

Kaakibat ng suwerte sa career ay ang pagdating din ng mga intriga kay Kris. Ang latest nga ay ang pagkalat ng balitang may nabago daw sa mukha ng aktres at sinasabing ito ay dahil sa pagpapaturok niya diumano ng collagen sa mukha. Ayon pa sa mga bulung-bulungan, iba ang mukha ni Kris noon sa hitsura niya ngayon lalo na noong nag-guest ito sa Startalk kamakailan lang.

Ayon sa mga nang-iintriga, lumiit at medyo nabanat daw ang mukha ni Kris ngayon kaya naisip nilang baka sumailalim nga sa collagen beauty enhancement ang aktres. Pero ito ang isang obserbasyong tinatawanan lamang ng kampo ng aktres.

Kinausap ng Tweetbiz si Kris tungkol dito at ito ay mariing pinabulaanan ng sikat na aktres. Paliwanag ni Kris, ang ginagawa niyang pagpapapayat ang dahilan kung bakit medyo may nagbago sa mukha niya. Wala rin siyang nakikitang dahilan kung bakit kailangan niyang magpaturok ng collagen sa mukha dahil kuntento naman daw siya sa hitsura niya.

Tiyak namang ikatutuwa ni Kris ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Aljur. Todo-depensa nga si Aljur kay Kris sa usaping ito at sinegundahan niya ang sinabi ng ka-loveteam na ang pagda-diet ng dalaga ang dahilan ng kaunting pagbabago sa mukha nito. -- Tweetbiz

TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by jhunrey_echavia17 on January 28, 2010
    ano ka naman chelaraine.....ang ganda kya ni kris.....hindi nma sa pinagtanggol nmin c kris dahil totoo nman tlaga....ang cnbi ni yaney15
  2. 2. Posted by yaney15 on January 12, 2010
    hoy chelaraine ganyan tlga pag pumapayat ang gnda kya ni Kris dti nsobrahan lng sa pagda diet yan, kapal ng mukha mo ah kung wla kng mgndng s2bihin wg kng mg comment
  3. 3. Posted by chloee20sg on January 11, 2010
    oo iba tlg ung face nya ngayon lalo kapag smile nya...its either retoke s eyes nya or s teeth,hirap n sy mgsmile prang plastik ang smile nya d gaya noon super cute sy...now i dont like d way she smiles n...may nabago tlg s mukha nya..admit man nya or not...it shows naman lalo s mga promotions nila ng d last prince...iba n tlg..
  4. 4. Posted by chelaraine on January 9, 2010
    wehhh ?? nagparetoke yan noh !! ee kung nagpapayat lng yan bkit pati ung mga buto niya sa muka nabawasan ?? haha !! bkit ung nagpapayat lng bah cia pati un mababawasan ?? wag niu na kcng ipagtanggol !! haha !! ang pangiiit nia nah ngayon !! sobra !!

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.