Sana Happy Ending
Article posted January 08, 2010

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

For five weeks, sinamahan natin si Remedios sa kanyang journey para mabuo muli ang kanyang pamilya. Makukuha na ba niya ang kahilingan niya ngayong gabi? Or will her senile dementia get the better of her sa huling araw ng 'Sana Ngayong Pasko?' Text by Jason John S. Lim. Photos courtesy of GMA Network.

Buo na ang Pamilya Dionisio; alam na ni Pablo (Dante Rivero) ang buong katotohanan sa relasyon ng kanyang asawang si Remedios (Susan Roces) at kanyang kapatid na si Ernesto (Eddie Gutierrez), at nagkasama-sama nang muli ang magkakapatid na sina Gordon (Christopher de Leon), Fely (Gina Alajar) at Stephen (TJ Trinidad).

Pero hindi pa tapos ang kuwento ng Sana Ngayong Pasko

starsHappy Endings

Sa kuwento ni Gordon, nakuha na niyang patawarin ang mga pagkakamali ng kanyang mga anak na sina Rigo (JC de Vera) at Irene (Maxene Magalona). Binigyan na niya ng blessing si Irene na ikasal kay Bernie (JC Tiuseco) kahit na kinikilala na ito ng batas bilang isang kriminal; habang hinayaan na rin ni Gordon si Rigo na sundin ang napupusuan niyang career.

Pero maayos pa kaya ni Gordon ang nasirang relasyon niya sa kanyang asawa na si Divine (Janine Desiderio)?

Samantala, Fely has finally found true love sa bisig ni Doctor Emmanuel (Ian Veneracion). Ngunit tuluyan na ba niyang makakalimutan ang mga lalaki sa buhay niya? Will she finally be able to start over?

Stephen is finally making a stand para makuha ang anak niyang si Jopet (Jacob Rica). But how can he separate Jopet from his mother (Francine Prieto). Magagawa ba niyang ihiwalay ito, knowing that his family's history is repeating itself sa kanyang relationship with Jopet and his mother?

At nakuha nang patawarin ni Pablo si Remedios sa mga nangyari sa kanilang nakaraan. Nagawa na niyang pagsamahin muli sa iisang bubong ang kanyang pamilya. Pero ano na ang mangyayari sa kanila sa tuluyang pagkawala ng memorya ni Remedios? With her senile dementia taking a turn for the worse, will Remedios even recognize na natupad na ang matagal niyang hinihiling: ang makitang magkakasama nang muli ang pamilya niya?

Find out how it all ends tonight, on Sana Ngayong Pasko--pagkatapos ng StarStruck ShoutOut, parte ng GMA Telebabad.

Pag-usapan ang pagtatapos ng Sana Ngayong Pasko sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!

Comment   Email This  
| More



Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.