Article posted January 06, 2010
Rating:
Kalusugan ang sinasabing dahilan kung bakit biglang umalis si Mark Anthony Fernandez sa nangungunang fantaserye ng Kapuso Network na Darna.
Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi ni Marian Rivera na mismong si Mark ang kumausap sa kanya at ipaalam ang dahilan ng kanyang pag-alis sa show.
“Sabi n’ya ‘Yan (palayaw ni Marian) puwede ba kitang kausapin? Sabi ko, tungkol saan? Sabi n’ya, ‘sa pag-alis ko.’Sabi ko, sige. Tapos sinabi n’ya talaga yung totoong dahilan. Sabi ko, ‘at least ngayon kinumpirma mo sa’ken kung may magtanong sa’ken masasabi ko kung ano talaga ang totoo," kwento ni Marian sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
Sinabi ng aktres na nakapag-recharge na siya mula sa maigsing Christmas vacation. Kapansin-pansin umano na masigla ang mga tao sa set sa kanilang balik-trabaho.
“Siyempre masaya uli kami rito sa set, ginagawa naming smooth lahat kasi ang daming eksena na kukunan, ayun happy na trabaho ulit," ayon sa dalaga.
Sa kabila nito, nami-miss daw nilang katrabaho si Mark dahil tapos nang kunan ang kanyang mga huling eksena patungo sa tuluyang pagkawala niya sa show. Pero nauunawaan naman daw nila ang pag-alis ng aktor lalo na’t may kinalaman ito sa kalusugan.
Kasama si ‘Dong’
Inamin din Marian na naging masaya ang kanyang Pasko at Bagong Taon dahil magkasama sila ni Dingdong Dantes sa dalawang espeyal na araw. Halos isang linggo raw silang magkasama sa Boracay kasama ang ilang miyembro ng kanilang pamilya.
“Happy, enjoy lang. Sabi ko nga i-enjoy ko ‘tong pagkakataon na ‘to kasi talagang bakasyon kung bakasyon. Rest talaga, masarap," ayon kay Marian.
Ngayong 2010, maraming trabaho ang naghihintay kay Marian.
“After nito marami kaming tour ni Dong kasama si Ate Reig (Regine Velasquez) sa Feb 1 magsisimula. Pupunta kaming Dubai, tapos dirediretso na ang mga show namin sa ibang bansa. Tapos habang natatapos siya papasok na ang Endless Love," patungkol ni Mariam sa next project niya sa GMA kasama si Dingdong. GMANews.TV
For regular updates about Marian and Dingdong, subscribe to their Fanatxt services. Just text MARIAN ON or DINGDONG ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
Pag-usapan ang Darna sa mas pinagandang iGMA forums! Not yet a member? Register here!
















