Ang birthday wish ni Katrina
Article posted January 04, 2010

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Naging very challenging ang 2009 para kay Katrina Halili. Pero being the strong woman that she is, hindi niya pinabayaang magpatalo sa mga intriga. Ngayong bagong taon at sa kanyang birthday, may nagiisang hiling si Katrina. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Connie M. Tungul

Last year, isa si Katrina Halili sa mga pinaka-kontrobesyal na aktres, hindi lang sa mundo ng show business kung hindi pati na rin sa World Wide Web. Marami ang nag akala na katapusan na ito ng career ng aktres, pero nagulat sila when Katrina Halili broke her silence and faced all the controversies.

starsAnd it paid off! Not only was she able to recover from all the issues and intrigues, today she has proven to everybody that she is here to stay.

“Siguro dahil na rin sa mga nangyari kaya siguro mas mature na rin na Katrina ako ngayon. Mas nag-concentrate na ako sa acting,” ang pahayag ng young actress who turned 24 years old today.

And true enough, hindi nga nawawalan ng project ang dalaga na ngayon ay mapapanood na rin natin sa top-rating prime time show, ang Darna. She has also signed a number of endorsement contracts, including Kawasaki, Crystalderm at Bench.

Kaya naman napakalaki ng pasasalamat ng dalaga sa mga ito. “Sa mga endorsers ko, mas na-appreciate ko sila kasi kinuha nila ako kahit hindi maganda ‘yung nangyayari. Dito sa showbiz hindi ka basta-basta magkakaroon ng project kung hindi maganda ang packaging mo. So sa akin, kahit na may mga bad issues, hindi nila tiningnan ‘yun, mas na-appreciate ko talaga sila.”

And indeed pinatutunayan ni Katrina na hindi sila nagkamali sa pagtitiwala sa kanya.
Kaya naman ngayong 2010, Katrina assured us na tuloy-tuloy pa rin ang kanyang paglaban.

“Tuloy pa din po. Hindi pa rin po ako uurong, ipaglalaban ko pa rin ang sarili ko.hanggang sa matapos ito.”

And if she has one birthday wish for this year, ito na ‘yun: “Sana marami pa ring blessings.”

Kayo ano ang birthday wish ninyo para kay Katrina? Mag-log on na sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!

Kamustahin si Katrina via Fanatxt! Text KATRINA ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS DINGDONG ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by ideviruchi on January 10, 2010
    sana ate katrina...maging maganda ang career mu at good luck sa love life at sa lahat lahat !!!! ^_^
  2. 2. Posted by rj_macasiag06 on January 8, 2010
    kaya mo yan ate...............
  3. 3. Posted by jeffrey_italy on January 5, 2010
    buon comleano katrina! wishing you all the best in life. be strong and never lose hope. in this life there'll always be ups and downs. there's a saying in french: c'est la vie as the englishman says' it: that's life. important thing is you're moving forward. we believe in you. forza! katina

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.