Article posted December 23, 2009
Rating:
Sa Part 1 ng Fearless Forecast Special ng Tweetbiz, our very own Myster E and Madam Auring joined forces sa pagbabasa ng kapalaran ng ilan sa mga sikat at not-so-popular celebrities! Ito ang ilan sa mga na-predict nila!
Sunshine Dizon, mabubuntis?
Ito ang sinabi ng tarot cards ni Tweetbiz resident psychic Myster E tungkol sa drama princess. Ang advice naman ni Madame Auring sa aktres ay mag-stay ito sa Kapuso Network para magpatuloy ang muling pagsigla ng kanyang career!
German Moreno, magkakaroon ng sakit sa atay?
Ito naman ang nakikita ni Myster E sa kalusugan ng Master Showman for 2010 kaya binalaan niya itong alagaang mabuti ang kanyang kalusugan!
Sharon Cuneta at KC Concepcion magkakatampuhan?
Kahit na kilala sa pagiging close ang mag-ina, sinabi ni Madame Auring na hindi dapat mawala ang open communication sa pagitan nina Sharon at KC para hindi sila magkaron ng misunderstanding in the future!
BB Gandanghari, babalik sa pagiging si Rustom Padilla?
Para kay Madame Auring, maaaring mag-iba ang ihip ng hangin para kay BB next year dahil may ibang factors daw na pwedeng mag-convince sa kanya na bumalik sa pagiging si Rustom Padilla! Kung bakit, we don’t know yet!--Tweetbiz
TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.
















