Jackie Rice, isang ganap na 'Demonyita'
Article posted December 23, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

This week masasaksihan na din natin ang pagdating ng isa pang kontrabida na kapangyarihan lang ang tanging asam. Sino nga ba si Demonyita? Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio and courtesy of GMA Network.

starsWhen iGMA got to talk with Jackie Rice about her villainous debut sa Darna bilang si Helga, ang Demonyita, mixed-feelings ang ipinamalas niya sa panibagong role niya dito.

Bakit kaya?

"Siyempre masaya kasi, lahat naman ng nag-kontrabida dito sa Darna sobrang magaling, kaya din naman ako nafru-frustrate," she revealed.

At dahilan pa ni Jackie na nahirapan siyang maghanap ng basehan ni Helga, "Actually, hindi ko alam kung sinong gagayahin ko, kasi mostly, alam k,o na demonyo eh lalaki.

"Kasi ngayon lang main character na ang gagampanan ko, kontrabida 'yung role. So hindi lang siya support at kailangan ko talagang pag-aralan," she further explained.

And, for her, this is a good opportunity para ipamalas ang pagiging seryoso na niya sa kanyang career. Matatandaan natin that Jackie's new image has been the talk-of-the-town nang lumabas siya sa cover ng July 2009 issue ng Maxim, isang men's magazine.

She further divulges na ang concentration niya ngayon ay focused on declaring to her fans that she has grown up, at handa na siya for more challenging roles.

stars"Okay naman, wala namang problema – 'yun nga eh. Kaya lang 'yung pagiging kontrabida dito sa Darna, kinakabahan talaga ako. Kasi maraming nage-expect na tao ng hindi na 'yung katulad ng dati kong roles," Jackie declares. "Hindi na bata eh, eto talagang mature na role na ito. At saka masaya at challenging siya para sa akin – from the make-up pa lang na inilalagay sa katawan ko to the costume. Lahat eh!"

Sa mga huling taping niya sa Darna, though, she says na medyo may level of difficulty din naman pero hindi exactly sa pag-arte. Actually for her, ang experience niya sa Darna ay, "Masaya! Pero, 'yung contact lens ko ang hirap ilagay at tanggalin. Sobrang hirap din ng first time kong mag-prosthetics."

Pero siyempre nilinaw niya na enjoy naman siya at, siyempre, very thankful sa mga breaks na nakakamtan niya ngayon. As a matter-of-fact tampok din siya sa pelikula ni Vic "Bossing" Sotto na Ang Darling Kong Aswang na entry sa Metro Manila Film Festival this year.

Jackie, therefore, invites her fans na panoorin ang umpisa ng pagbabagong anyo niya sa Darna: "Ako po si Demonyita dito sa Darna – sana abangan ninyo ako – and sana patuloy nilang abangan ang Darna dahil eto, second season na. Congrats sa Darna!"

Pag-usapan si Jackie Rice! Mag-log on na sa mas pinagandang iGMAForum! Not yet a member? Register here!

Kamustahin si Jackie via Fanatxt! Text JACKIE ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS JACKIE ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by rexmaharlika on January 8, 2010
    Happy 3 kings GMA c/o Jackie!!!!! from Rex Maharlika and company
  2. 2. Posted by vhinndelacruz on December 23, 2009
    please naman po sa mga writers ng darna ... pahabain nyo naman po ung mga fight scenes ni darna .. nkakabitin at prang nkakatamad panoorin halos mga 3 araw lng ptay na ung mga villains ... at sna pgandahin nyo pa po mrami nanonood ng darna .. bkit ganun ung fight scenes .. at sna mgbago costume ni marian kpag nkalaban na nya sa huli ung mga villains .. syang naman po etong darna ang nangunguna nyong tv show .. please naman po .. nkakainis na kc
  3. 3. Posted by angel25 on December 22, 2009
    It's about time Jackie, sayang naman yung ganda mo and pagkapanalo mo sa Starstruck kung di ka man lang masisilayan on tv. Buiti naman nagmature ka na. we hope to see more of you. I think ito ang reason bakit linakihan ng Starstruck ang age bracket sa Final 14, para di sila magcompete for the same roles and at the same time, may level of maturity and responsibility ang contestants.

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.