Article posted December 18, 2009
Rating:
Startalk continues to dish out the latest in showbiz news and tsismis. At ang original at kontrobersyal na host ng show, since it premiered more than fourteen years ago, na si Lolit Solis, attributes her personal success sa mundo ng showbiz to the show’s achievement through the years. Text by Erick Mataverde. Photos by Jason John S. Lim.
"Kasi ako, laging memorable sa akin ang Startalk eh, kasi inalok nila sa akin ang Startalk right after the scam (during the 1994 Manila Film Festival). Parang I was telling them, are you sure?" recalled Manay Lolit Solis sa iGMA about Startalk's early days. "Kasi sabi ko galit sa akin lahat ng tao. You think magkakaroon ng credibility ‘yung show with me around? Kaya as long as Startalk is there it will be memorable. Eh parang isa 'to sa nakatulong para makatayo uli ako kaya, wow!"
And with her past controversies behind her, tuloy-tuloy ang pag-ani ni Manay Lolit ng mga iba't-ibang scoop, intriga at balita sa ating mga paboritong artista through Startalk.
"Siguro, kung nung start sinuportahan nila kami, mas suportahan ninyo kami ngayon kasi kumbaga sa isang tumatandang tao mas may wisdom na kami ngayon 'di ba?" she declared. "We’re growing older and talagang growing up, di ba?”
Dahil hindi naman sikreto sa lahat ang previous controversial departures ng mga dating hosts nito, tinanong namin siya tungkol sa posibilidad na magkaroon ng changes sa mga current hosts ng Startalk.
Binalikan niya ang departure ni Lorna Tolentino from Startalk at ang pagdating ni Ricky Lo, in her stead na naging magandang halimbawa ng pag-mature ng show.
"Wala na sigurong [pababago], kasi when Lorna left, nung nagpaalam naman siya, sinabi niyang she will never host a show na katapat nung sa amin," she remembers. "Parang that was a good goodbye, nice goodbye. Parang ano naman sa kanya, 'Oh ayan, tignan mo, hindi ka namin pinalitan ang ipinalit namin sa iyo lalaki', parang ganun."
Kaya Manay Lolit described Startalk the way she would definitely describe her career. "Growing older and growing up. Oh di ba?" she stated, in parting.
Huwag palampasin ang mga latest sa showbiz intriga. Panoorin ang Startalk tuwing Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga!
Pag-usapan ang mga latest showbiz intriga at tsismis! Mag-log on na sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!
















