StarStruck Look Back: Mark Herras
Article posted December 15, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

As the Ultimate Male Survivor ng pioneer batch ng "StarStruck," maraming nang pinagdaanan si Mark Herras. He returns to the reality artista search as a segment host. Read about his insights in this iGMA.tv interview. Text and Photos by Jason John S. Lim.

starsMost memorable ang pioneer batch ng StarStruck dahil ito ang nagsimula ng lahat, at para sa Ultimate Male Survivor ng group, ito rin ang most memorable for a number of things. Isa dito ang ang Final 14 announcement nila kung saan 13 contenders lang ang natawag and Mark Herras was not one of them.

"Hindi ko makakalimutan," he shares with us. "Sobrang-sobrang tense ako noon, sobrang kaba. Tapos hindi ako natawag." Kuwento niya sa amin na sumama daw talaga ang loob niya nung akalain niyang hindi na siya kasama sa competition. "Hindi ko naman sinasabi na dapat nandoon agad talaga ako. Pero siyempre, hoping e. 'di ba? Nandoon na ako e!

"Tapos bigla nagkaroon ng callback. Sabi, kulang pala ng isa pang lalaki." Mark tells us na lalo pa siyang na-tense nung mga oras na yun. That is, hanggang nalaman niya na siya ang last name to be called. "Kaya nung nanalo ako, talagang iba, iba 'yung pakiramdam."

Vindicated man si Mark sa ending ng StarStruck's first season pero hindi natapos sa Final 14 callbacks ang mga down moments ni Mark.

"First mall show namin sa SM Southmall [bilang] Final 14," Mark begins. "Walang tao! Seryoso! As in, lumalabas kami doon sa labas ng stage, nagtatawag kami." Pero gaya ng naunang moment na naikuwento ni Mark, nagkaroon rin ng vindication ang second memorable moment na ito: ang kanilang second mall show.

He shares, "From SM Southmall na walang tao, nag-mall show kami sa SM Pampanga. Hindi pa nagbubukas 'yung mall, kala mo nagkaroon ng stampede. Ibang klase."

Of course, Mark considers memorable ang isang bagay na hindi makakalimutan ng kahit sinong StarStruck graduate: ang bonding ng mga contestants. "Siyempre lahat nung mga ginawa naming tests, sobrang memorable yun, kasi doon talaga nagkaroon ng bonding 'yung lahat ng Final 14. Ibang-ibang klase 'yung bonding kaya every time may nawawala sa amin, sobra kaming lahat nalulungkot, umiiyak."

Life after StarStruck

starsStarStruck did not just affect Mark's life--binago nito ang buhay niya.

"Siguro, the best way na lang to explain it, 'yung naging status ng buhay ko naging sobrang blessed." Mark tells us na malamang anyone from all batches, including the current batch, would say the same. "Tapos na kayo sa dreaming, tapos na kayo in believing, all you have to do is survive after StarStruck.

"And natutuwa ako dahil after StarStruck, nag-survive naman ako."

At hindi lang si Mark ang nag-survive, so did his love team partnership with fellow pioneer Jennylyn Mercado.

"'Yung chemistry namin ni Jen, ever since naman." Mark says marami man ang nagbago sa kani-kanilang personal lives, when it comes to working together as a love team, walang nagbago sa kanila ni Jennylyn. "Nagkaroon kami ng kani-kaniyang problema, naghiwalay 'yung love team, binalik ['yung love team] and naging successful ulit."

Ang masasabi na lang ni Mark is that he's happy na kahit hindi maganda ang ending ng love story nila ni Jennylyn in real life, hindi naman natapos ang kanilang pagiging kaibigan. Dagdag pa ni Mark, "Nagagawa namin ang trabaho namin ng maayos, and we're very happy dahil nandoon pa rin 'yung suporta ng fans namin."

Ngayon, bukod sa mga mature roles na unti-unti na dumarating kay Mark, he is being given the chance to try something out din: ang hosting.

"First time ko talagang magkakaroon ng project na magho-host ako," kuwento sa amin ni Mark. At masaya ang binata sa bagong development ng kanyang career. "It's about time din, para hindi lang si Mark, puro arte, puro sayaw. Iba naman. Hosting naman."

Definitely, sineseryoso ni Mark ang bago niyang papel lalo pa't balik StarStruck siya para sa kanyang hosting stint. "Kailangan malinis, plakado kasi parang kami 'yung magre-represent doon sa mga bagong StarStruck."

At bilang representative na sila ng bagong batch, ito ang advice ni Mark sa mga contenders ngayon:

"Competition 'to so talagang dapat ibigay nila 'yung best nila. At ‘wag na ‘wag nilang kakalimutan na dapat mayroon silang utang na loob sa lahat ng mga tumulong sa kanila. ‘Wag lumaki 'yung ulo nila. Once na lumaki ang ulo ng isa sa kanila, hindi nila kaya 'yung mag-survive after. Magiging pangit agad 'yung tingin ng mga tao sa kanila. So dapat wag silang maging mayabang, 'yung paa nila laging nasa floor. Siyempre pasalamat sila sa mga blessings nila, pasalamat sila kay God.

"Kung sino man sa kanila 'yung gustong maging winner, dapat ipakita nila 'yung best nila."

And for the viewers, Mark promises more twists and turns coming their way. "Napakarami pang mangyayari dito," he says. "Panigurado, magkakaroon ng napakaraming twists. Dapat abangan nila."

You can catch Mark weekdays sa Ikaw Sana, part ng pinaagang GMA Telebabad. And if you're missing Mark sa StarStruck ShoutOut, kung saan isa siya sa mga segment hosts, he'll be back with a vengeance starting next week.

Lagi kang updated sa mga ginagawa ni Mark through Fanatxt! Just text MARK(space)ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)

Pag-usapan ang naging takbo ng career ni Mark Herras sa mas pinagandang iGMA forums! Not yet a member? Register here!

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by meisic526 on December 15, 2009
    Naipakita ng Batch nina Mark kung ano ang dapat sa pagiging Starstruck! They have shown that they can really survive after dreaming and believing... Good luck to the new batch...
  2. 2. Posted by aaassshhh on December 14, 2009
    happy bday mark... :)

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.