JC Tiuseco nasa prime time na!
Article posted December 14, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

’Sana Ngayong Pasko’ continues to touch all viewers, young and old alike. And for the actor who plays the young man na haharap sa malaking responsibilidad early in life sa story, JC Tiuseco is very happy to be in this prime time special. Text and additional photos by Erick Mataverde. Photo by Mitch S. Mauricio.

starsAng Sana Ngayong Pasko ay istorya ng mga nilalang na naghahanap ng pagmamahal at pagtanggap mula sa kanilang mga mahal sa buhay. At eksakto ito sa panahon ng Pasko, kung saan ang pagbibigay at pagpapatawad ay hindi malayo sa puso ng tao.

Nakausap kamakailan ng iGMA ang isa sa mga tampok na artista dito, si JC Tiuseco, at tuwang-tuwa naman ang binata na makakasama niya muli dito si Maxene Magalona.

"Oo, sobrang thankful nga ako kasi after Kung Aagawin [Mo Ang Lahat Sa Akin] nga, kami ulit ang pinag-pair," ang sinabi sa amin ni JC. "Siyempre mas-comfortable na ako na ka-work siya kasi kilala ko na siya tapos okey na nakapag-bond na kami so hindi na kami mahihiya sa mga eksena."

Ang role niya dito, bilang si Bernie, ay dagdag challenge sa kanya dahil sa emotional requirement ng character niya dito..

"Probinsyano [ako dito], pero unlike sa Kung Aagawin, hindi na ako masyado torpe," ang kuwento ni JC tungkol sa role niya. "Ako 'yung naka buntis kay Maxx (playing the role of Elaine) – dahil sa hirap ng buhay nga, medyo may nagawa akong mali para maging maganda ang buhay."

starsDagdag pa ni JC: "'Yung character ko, parang ang message dito, lahat gagawin ko para mabuhay ko ang pamilya ko. Kahit gumawa ako ng masama."

Samantala, lubos naman ang pagpapasalamat ni JC sa GMA Network at siyempre sa mga fans at supporters nila dahil nag-click ang tambalan nila ni Maxene.

"Super happy! Kasi hindi ko akalain na ganun nila ka-gusto 'yung love team namin. Tapos ngayon nga nabigayan kami ng prime time because of that," ayon sa binata "Siyempre I am happy na nag-wowork, I mean, nakikita nila na may connection din 'yung love team namin."

Dagdag pa ni JC bilang imbitasyon sa lahat na "…sana manood kayo ng Sana Ngayong Pasko. Kasi sobrang family-oriented show siya. Tapos sabi nga nila parang real time gagawin nila – sa Christmas eve, Christmas eve din 'yung lalabas sa TV, so makaka-connect sila sa show. Kung ano nangyayari talaga sa real life, sa mga tao sa mga family, kung papaano 'yung gulo sa family, so makikita nila at makaka-connect talaga 'yung mga nanonood." Kaya tamang-tama talagang Pamaskong handog ng GMA ang Sana Ngayong Pasko dahil sa mga aral na dulot nito.

Pag-usapan si JC Tiuseco! Mag-log on na sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!

Kamustahin si JC Tiuseco via Fanatxt! Text JCT ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS JCT ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.

Comment   Email This  
| More



Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.