Article posted December 12, 2009
Rating:
Lumabas sa mga tabloid ngayong Biyernes, December 11, na ang iniidolong Sexbomb member na si Jopay Paguia ay nagdadalang-tao. Dahil dito ay agad na tinawagan ng Tweetbiz paparazzi na si Gorgy si Jopay upang alamin kung may katotohanan ang balita.
Agad naman itong pinabulaanan ni Jopay, baka raw kaya lumabas ang issue ay dahil sa nakatakda siyang gumanap bilang buntis sa isang project na gagawin niya. Ayon naman sa boyfriend ni Jopay na si Joshua Zamora, baka raw kaya napagkakamalang buntis ang kanyang girlfriend ay dahil sa napapalakas itong kumain sa set. -- Tweetbiz
TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.










