Bianca King pinaalis sa tent ni Krista Ranillo?
Article posted December 12, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Gaano kaya katotoo ang balitang pinaalis `di-umano ni Krista Ranillo sa tent nito ang aktres na si Bianca King?

Ayon kay Bianca, naganap ito sa shooting ng pelikulang Wapakman na kinatatampukan nila pareho ni Krista. Sinasabing nakita na lang daw ni Bianca ang mga gamit niya sa labas na ng tent matapos siyang mag-shoot ng isang eksena para sa nasabing pelikula, at may nakapagbulong dito na si Suzette Ranillo, tiyahin ni Krista, ang nag-utos nito.

Pinabulaanan naman ni Krista na may kinalaman siya rito at humingi na rin siya ng paumanhin kay Bianca na kapatid niya sa manager na si Arnold Vigafria. Nagkaayos naman ang dalawa at balak din daw ni Krista na kausapin ang tiyahing si Suzette upang humingi ng paumanhin kay Bianca.-- Tweetbiz

TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by lovable12 on December 12, 2009
    we! love u ate B biancanatics support u forever... Godbless...

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.