Article posted December 11, 2009
Rating:
Everything’s coming up roses for actress Heart Evangelista.
Her new GMA primetime soap Full House is rating high and she is in the cast of Regal Films’ entry to the 2009 Metro Manila Film Festival Mano Po 6: Mother’s Love along with screen heavyweights ZsaZsa Padilla, Kris Aquino and Megastar Sharon Cuneta. Add to these her very first acting award that she got from FAMAS recently.
Pagdating sa personal life, Heart is open to say that she’s doing better than before. Marami raw siyang natutunan sa mga pinagdaanan niya that make her a better person now.
Ibang kuwento naman kung love life niya ang pag-uusapan dahil sa tahimik lang si Heart pagdating dito. Ito ay sa kabila ng mga bulung-bulungan na nililigawan daw siya ng SOP co-host niyang si Dennis Trillo. Pero recently ay inamin ni Heart na binigyan siya ni Dennis ng heart-shaped pendant, at na masaya siya sa certain closeness nila ngayon ng aktor. At ang eksenang pagtanggap ni Heart sa nasabing pendant ay nakunan mismo ng Tweetbiz, isang ebidensiyang hindi maitatanggi ng magandang aktres.
Kapansin-pansin din ang suot na singsing ni Heart. When cornered by Tweetbiz, Heart said that the ring is supposed to help her forget her past heartache and find her soul mate. Nangangahulugan kaya itong hindi pa niya tuluyang nakalilimutan ang ex-boyfriend na si Jericho Rosales?
Heart’s busy schedule, on the other hand, is seemingly taking its toll on her health. Nitong Biyernes, Dec. 4, ay isinugod sa ospital si Heart dahil sa fatigue. Una rito, na-opistal din si Heart sa shooting ng Patient X na naging dahilan sa pag-backout niya sa nasabing proyekto. Nang tanungin ng Tweetbiz kung bakit tila lagi siyang nagkakasakit tuwing katrabaho si Richard Gutierrez, napatawa lamang ang aktres sabay sabing “nagkataon lang naman.” -- Tweetbiz
TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.
















