Marian Rivera at Katrina Halili magkasama ulit sa prime time
Article posted November 27, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Hindi na talaga papaawat ang pangunguna ng "Darna" sa prime time dahil makikilala na ang mga bagong kontrabida na pinangungunahan ng kontrobersyal na si Katrina Halili. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio

starsVery vocal si Marian Rivera na masaya siya sa pagpasok ni Katrina Halili sa cast ng Darna at wala nang dapat i-issue sa kanila ni Katrina.

"Tulad ng mga sinabi ko sa mga interviews ko--kung ano man ang nakaraan namin noong Marimar, tapos na ‘yun. Ang tagal na 'di ba? Siguro naman ay parehas na kaming lumaki at nag move-on na kami pareho. So happy ako na nandito rin siya at after ng work niya [sa Rosalinda] meron na naman siyang work, di ba? So walang dapat ika- issue sa aming dalawa," ang mariing sabi ng Darna star.

Idinagdag pa niya na although hindi pa sila nagkakaroon ng eksena together, nagkita na sila at napag-usapan na din nila ang pagiging bahagi ni Katrina ng Darna cast.

"Hindi pa kami nagkaka-eksena, pero nag start na siya ng taping. Actually, nagkita kami noong fashion show. Sabi ko 'Welcome to the family, papasok ka na sa Darna.'"

Darna’s new foes

Hindi lang si Katrina Halili ang dapat nating abangan sa mga susunod pang episodes ng Darna. Paparating na ang mga bagong kontrabida na tiyak na susubok sa kakayanan ng ating superhero.

"Ang sexy-sexy ng mga kalaban ko, as in!" Ito ang nangingiting kuwento ni Marian sa amin.

Magsisimula ang pagdating ng mga bagong kalaban ni Darna sa Lunes, November 30. Syempre, dapat abangan ang paglaki ni Serpina (Katrina Halili), na siyang hahamon sa kakayanan ni Darna.

"Dapat magpasalamat ako dahil tinanggap niya [‘yung role]. Hindi lang sa kanya, sa lahat ng kontrabida na kasali sa Darna, nagpapasalamat ako na tinanggap nila ang Darna,” sabi ni Marian.

Pero siyempre mayroong message ang ating bida sa mga padating na bago niyang mga makakatunggali sa show. "Sa mga kalaban ko, hindi pa rin susuko si Darna! Kahit dumami pa kayo lalabanan ko kayo!"

Abangan ang paglabas ni Katrina Halili at ng mga bagong characters sa Darna, weeknights sa GMA Telebabad.



Pag-usapan ang pagdating ni Katrina at ng mga bagong kontrabida ng Darna sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!

Alamin ang dapat pang abangan kay Katrina. Just text KATRINA(space)ON and send to 4627 sa kahit anong telco, para lagi kang updated sa kaniya. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)

Comment   Email This  
| More



Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.