Article posted November 20, 2009
Rating:
Maghanda sa pinakamalaking twist ng Shining Inheritance simula Lunes, November 23, dahil ilalabas na nina Inna (Han Hyo Joo) at Juan (Lee Seung Ki) ang espesyal nilang nararamdaman para sa isa't-isa!
Winning in the ratings game for weeks now, lalo pang susubaybayan ang Shining Inheritance sa pag-uumapaw ng mga kakilig-kilig na mga eksena para sa buong linggo!
Tapos na nga ba talaga ang pag-aaway nina Juan at Inna?
At bukod sa sweet surprise ng dalawang bida, abangan rin ang mainit na paghaharap nina Juan at Francis (Bae Soo Bin)! Alamin ang dahilan ng pagsuntok ni Juan kay Francis--at pakinggan ang version ni Juan sa pagkakadawit niya kina Nono at sa ama ni Inna. Biktima nga lang ba ng pagkakataon si Juan?
If that's not enough, maghanda na rin sa aggressive campaign ni Atty. Park para pigilan si Lola Aurea (Ban Hyo Jung) sa pagbibigay ng Shining Inheritance kay Inna!
Sino na kaya ang magiging masuwerteng tagapag-mana ng napakalaking kayamanang ito?
Sundan ang mga kaganapan na ito sa Shining Inheritance during the week of November 23--kasabay ng huling linggo ng Rosalinda sa GMA Telebabad. -- Text provided by GMA Network.
-
1. Posted by isabellamarielopez
on November 22, 2009
wow! really?? how cute! oh yeah... y did you stop the airing of "freestyle"?? favorite q pa naman yun... pls bring it back?!!!!! please please!!!!!
-
2. Posted by bluish_angel9999
on November 22, 2009
i'm just one of those almost a million avid viewers of this show. i super l♥ve shining inheritance at very much excited na ko!! :))))) i hope you can make very sweet advertisements starring inna and juan :)) para masaya lahat! yey yey :))




