Online Kapuso fans, naging close kay Iwa at Francine
Article posted November 19, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Naging kakaiba talaga ang live chat ng dalawa nating pinakaabangang kontrabida sa prime time. At ang maganda pa ay pare-parehong sila Iwa Moto, Francine Prieto, at mga naka-chat nila ay nahigitan ang kani-kanilang expectations noong nakakatuwang hapon na iyon. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.

starsMaagang dumating sila Iwa Moto at Francine Prieto, ang mga nakakakilabot na kontrabida ng Darna, sa kanilang kauna-unahang live chat na magkasama sila, last November 12. At taliwas sa mga karakter nila sa paborito nating superhero series, imbis na magkalat ng lagim, pareho nilang na-brighten up ang hapon ng lahat ng mapalad na nakapag-online sa araw na 'yun.

Bago pa man din mag-umpisa, tinanong na ng iGMA kung ano ang ine-expect nila sa mga chatters this time around. At bilang mga beterano na sa live chat, parehong sila Iwa at Francine looked forward to getting in touch once again with their online fans.

"Siyempre magtatanong 'yan palagi no, siguro ngayon baka iba na 'yung mga tanungin naman nila, 'di ba?" answered Francine. "Kasi, at least, kahit papaano medyo kilala na nila kami, so baka may iba pa silang itanong. So ako rin kahit na anong tanong nila, sasagutin ko."

Para kay Iwa naman, in-anticipate niya ang ibang tanong tungkol sa show nilang dalawa: "Malamang kukulitin nila tayo tungkol sa mangyayari, gusto na nilang ibulgar natin sa kanila kung anong mangyayari sa Darna."

At true enough, naging isang masayang kulitan at bonding session ang nangyari kung saan marami pa tayong nalaman sa mga katauhan ng dalawa sa likod ni Valentina at Lucifera (the name of Francine's villainous Babaeng Tuod).

starsA 'first' online

Sa totoo nga, naging mapalad ang iGMA.tv dahil na-kulit ni Iwa ang kanyang non-showbiz boyfriend, who accompanied her sa live chat studio, magpakita sa gitna ng live stream broadcast at kamustahin ang lahat ng mga chatters live.

"Napilit ko siya for the first time. Mahiyain siya eh!" exclaimed Iwa.

"I loved chatting with them, sa mga tanong nila. Ang ku-cute ng mga tanong nila, like saan ba ako nag-aral dati," said Iwa after the chat. "Meroon pang tanong, ano, ano daw sikreto ko kasi blooming daw ako ngayon. Ang sikreto ko? Maghanap kayo ng jowa!"

Where Francine jokingly cut in, "At suwerte sila dahil pinakita ni Iwa ang kanyang insiprasyon! Ganun kalakas 'yun ah!"

Francine at Iwa todo ang suporta!

Kay Francine naman, natuwa siya sa pagkakataon maging personal muli sa mga online fans at supporters niya.

"Actually, andaming question nga na hindi ko rin nasagot eh. Parehas kami ni Iwa. Okey naman, kasi kakaiba 'yung mga questions din nila—hindi 'yung mga usual na lagi paulit-ulit nalang. Iba-iba talaga. 'Yung iba talaga gusto ka talagang makilala pa ng personal," she explained. "Usually, personal questions 'yung mga tinatanong nila na wala namang problema. Kaso 'yun lang talaga siyempre parang ang hirap naman sagutin lahat dahil madami ang nagtatanong."

Francine continued, "At totoong mga fans sila—hindi lang ng mga shows namin, [kundi fans] talaga ng GMA. Kasi alam nila. Updated sila talaga."

May kinagulat din si Iwa dahil, "…walang nang-away sa akin dito. Maraming mga, alam mo 'yun? Siyempre hindi naman lahat tayo naplea-please natin lahat. Siyempre may mga comments pa rin sila. I am open naman for comments eh. Dito walang nang-away sa akin. They say, 'Ayan, good luck,' at 'tsaka, in fairness, okey daw ang ginagawa ko."

stars

Kaya malaking appreciation ang pinakita ng dalawa sa pagkakataon na makapag-chat dito sa iGMA

"Sa mga taga-iGMA chatters, basta lahat—mga members, thank you for supporting lahat ng shows ng GMA. Lalong-lalo na 'yung mga shows kung saan kami kasali," requested Francine. "At siyempre, patuloy nilang suportahan ang GMA pati na rin ang iGMA at siyempre kaming mga artista ng GMA."

Iwa urged everyone to keep themselves updated via iGMA: "Siyempre, walang katapusan, suportahan natin ang iGMA.tv! Alam nyo po madalas po nagche-check ako ng mga thread sa iGMA [Forum] kaya alam ko ang mga tsismis na nandun (laughs)!

"Like kanina, naghahanap ako ng mga pictures, tapos binibigay ko dun sa mga fans ko. Dito ako kumukuha madalas—at tsaka ng mga information. [Kaya] tuloy-tuloy natin suportahan ang iGMA, at siyempre, they are doing their best para maibigay sa inyo ang mga information na gusto ninyong makita from your Kapuso stars."

Kaya abangan ninyo ang lahat ng mga Live Chat exclusives dito lang sa iGMA.tv, at siguradong may malalaman pa kayong bago sa ating mga paboritong Kapuso stars!

Pag-usapan si Iwa at Francine sa Darna dito lamang sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!

Kamustahin sina Iwa at Francine via Fanatxt! Text IWA ON [Your Message] or FRANCINE ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS IWA ON or GOMMS FRANCINE ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by phe_bie_ross on March 17, 2010
    sana francine hindi ka aalis sa gma,,.. at pini pray ku na maka survive ang mama mu,, wish you hav many projects no matter mataba ka man o payat,,..
  2. 2. Posted by nael_perona on February 23, 2010
    Hi! you are Iwa Moto but then your name is just one word and just divided it into 2 to be your screen name. Anyway, My real family name is moto because my grand father is a japanese. Nice to see you progressing in your acting and you are one of the best villains on TV. Let me congratulate you for a job well done in your darna series.
  3. 3. Posted by aguaserve on January 24, 2010
    hello
  4. 4. Posted by jeielkarl on January 20, 2010
    hi
  5. 5. Posted by prince_05 on January 3, 2010
    iwa bakit bigla ka nawala sa darna?
  6. 6. Posted by Carmie03 on January 3, 2010
    hi iwa ang ganda mo..HAPPY NEW YEAR

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.