Article posted November 14, 2009
Rating:
Recently, nagkaroon ng changes sa roster of hosts ng 'StarStruck V.' Instead of Dingdong Dantes, Dennis Trillo will take up hosting the live episodes with Carla Abellana. And Dennis is excited to meet this new challenge sa kanyang career. Text by Jason John S. Lim. Photo by Mitch S. Mauricio.
Sa pocket press interview ng StarStruck V for its two new hosts, Dennis Trillo is animatedly talking about his new project: being a host sa pinaka-successful na reality artista-search on television.
"Excited," ang sinagot ni Dennis sa press when they asked him how it feels to be part of the show. Nang punahin ng host na pareho sila ng sagot ni Carla Abellana, Dennis replies, "kasi first time namin pareho."
The award-winning actor also tells us na ito din ang una niyang pagkakataon to work with Carlaoutside of their spiels sa SOP from time to time. "At ngayon talaga, magiging full-time hosts kami."
Bilang kaibigan at katrabaho ni Dingdong Dantes, ang original StarStruck host, tinanong namin si Dennis kung nakausap na ba niya ito, at kung binigyan ba siya ng tips ni Dingdong sa pagho-host. Ang sagot niya:
"Hindi pa kami nag-uusap about this e." Dennis tells us Dingdong has been busy with taping for Stairway to Heaven. "Pero pag nagkita kami, siyempre tatanungin ko rin siya."
Dennis does reveal that he's been watching the past seasons of StarStruck though.
"Siyempre, ayaw kong mapahiya kay Dong," Dennis admits candidly. "Kasi magaling siya." Dagdag pa niya, "ayaw ko ring mapahiya sa network na nilagay nila ako dito."
Aside from watching past episodes of StarStruck, kinuwento rin ng binata that he's been observing how Ryan Seacrest and Paolo Bediones host their shows. "Sila 'yung peg ko;" Dennis even shares with us that they are the hosts he looks up to.
Pero, Dennis also tells us, ibang klaseng hosting din naman ang makikita ng mga viewers sa kanilang dalawa ni Carla. "Siyempre hindi naman natin puwedeng gayahin na lang ng gayahin ang mga iniidolo natin.
"Kailangan maipakita din 'yung talagang kung ano kami'yung sarili naming style."
Sa November 22 pa ang first episode ni Dennis, the first live episode ng StarStruck V. Pero ngayon pa lang, talagang halata na ang excitement sa kanyahindi lang sa mga salitang binibitawan niya. Bakit?
International level na kasi ang StarStruck. From October 30 to November 8, auditions were held in different parts of the world para sa mga gustong sumali na may Filipino blood. Sabi nga ni Dennis, "'yung clout ng StarStruck, naging mas wide na siya."
"Sa tingin ko, yun 'yung isa sa mga highlights na bagong aabangan nila dito sa StarStruck."
Bago namin iniwan si Dennis, we asked kung siya ang mamimili, ano ang dapat mayroon ang isang StarStruck winner. Hopefuls, take note:
"Siyempre importante 'yung talent, 'yung itsura, 'yung x-factor." 'Yan ang mga characteristics na sa tingin ni Dennis ay importante sa isang artisa. Pero the most important of the three, Dennis says, is the last one. "Kailangan kasi may attitude."
Hindi ba sila malagay sa attitude box niyan?
"Hindi bad attitude," Dennis clarifies. "Basta may character 'yung kailangan."
Diin ni Dennis, "Importante talaga 'yung x-factorisang kita mo pa lang, alam mo na agad e."
Will you be able to spot the next star sa bagong batch of hopefuls? Malapit niyo na silang makilala!
Catch the show every Saturdays, kapalit ng Celebrity Duets pagkatapos ng Pinoy Records, and every Sundays pagkatapos ng Kap's Amazing Stories. And get to know the new batch of hopefuls daily from Mondays through Fridays sa StarStruck Update bago mag-Family Feud!
Laging maging updated sa ginagawa ni Dennis! Just text DENNIS (space) ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
Pag-usapan si Dennis at ang StarStruck sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
-
1. Posted by shyllene
on November 18, 2009
Congratz dennis u did a good job... yung mga nagdodought sa paghohost mo siguro ngayon natauhan na sila na ang isang dennis trillo kahit ano magagawa... kaya sa mga taga GMA jan...ingatan nyu to na di mawala sa circulation dahil kayo parin ang talo..hehehe...JOWK!!!
-
2. Posted by veronica_trillo
on November 16, 2009
congrats! dennis sa hosting mo. napanood ko kagabi ang starstruck V, masasabi ko na mahusay ka. meron kang kakayahan ipagpatuloy mo lang. goodluck!!!
















