Article posted November 14, 2009
Rating:
Celebrity Duets' third season is about to end at ang tatlong natitirang contenders ay tiyak na magpapasiklaban sa isang final showdown. Alamin kung ano ba ang nararamdaman ng tatlo. Text by Loretta G. Ramirez, Photos courtesy of GMA Network
The stage is set para sa final showdown ng tatlong celebrity contenders who are vying for the title- Celebrity Duets' Grand Champion. Although hindi makapaniwala na umabot sila ng finals, all three are thankful sa experience na nakuha nila sa pagsali sa Celebrity Duets.
To give you some ideas kung anu-ano ang mga pinagdaanan nila here are their messages for the show, the judges and for their supporters.
Joel Cruz, Superstar
"Noong nag-umpisa ako, I was really so scared. Takot na takot ako dahil unang una hindi naman ako singer. And never ako kumanta in public. So, dito sa Celebrity Duets kahit papaano nagkaroon ako ng lakas ng loob ngayon. Wala na akong stage fright, ang ganda ng stage presence ko, tapos malakas na ang loob ko.
"Sobrang pinasikat ako ng Celebrity Duets! Thank you so much Celebrity Duets. Ginawa ninyo akong celebrity talaga. Sa buong buhay ko, ito na 'yung happiest moment na nangyari sa akin. Iba 'yung success ko sa business. Iba rin 'yung ginawa sa akin dito ng Celebrity Duets, 'yung pag labas ko, para kang diyosa, para kang superstar talaga. Hindi ko akalaing mangyayari 'yun Hindi ko makakalimutan ito sa tanang buhay ko. Talagang itatago ko 'yan ipipakita ko 'yan sa lahat ng generations ng angkan namin. For once in my life naging superstar ako sa buong Pilipinas."
Akihiro Sato, Most Improved
"I learned. Now, I can sing better, my accent is now better in Tagalog than in English. I am really proud of myself.
"When the show started I was scared to be the first one to leave [the competition]. Before I thought I cannot sing, in fact all my life I really cannot sing, even in the shower. Pero, I convinced myself that if you are masipag you can do anything. Don't be scared, believe in yourself and go forward. This is what I have learned."
Jomari Yllana, Total Performer
"Sa lahat ng binanggit sa akin, lahat ng comments na ibinigay sa akin ng judges, dala dala ko 'yun hanggang ngayon mula noong umpisa. Lahat ng sinabi nila.
"For me 'yung nagawa sa akin ng Celebrity Duets as a whole, para akong nag workshop, para akong nag-aral ulit. Dun sa mga nanakapansin na parang 'bakit ganun si Jomari?' Sabi nga nila Ms. Tessa, ang cool, cool ko. Sabi ng iba parang confident ako. Pero hindi eh mali 'yun, mali lahat 'yun. Ang pinaka totoo nun is para akong bata na naglalaro sa stage and that's it."
The spotlight is set, and the final three are ready to win your hearts. Kaya huwag palampasin ang last showdown ng Celebrity Duets this Saturday, November 14, dito lang sa GMA-7.
Pag-usapan ang finale ng Celebrity Duets sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
















