Ang hamon ni Joey de Leon
Article posted November 13, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Patuloy ang “Startalk” sa pagbibigay sa atin ng pinakamaiinit na balita at intriga sa larangan ng showbiz. Katulad ng show, ang host nito na si Joey De Leon ay siguradong hindi matitinag at lalo pang magtatagumpay sa kabila ng mga kontrobersiya na ibinabato sa kanya. Text by Erick Mataverde. Photos by Jason John S. Lim.

starsNang maabutan ng iGMA si Joey de Leon sa live set ng Startalk ay abala ang host-comedian sa pagbibigay ng sarili niyang brand of showbiz news reporting on TV kaya't siya ay inaabangan ng mga manonood week-in at week-out.

Nang magkaroon kami ng pagkakataon makausap siya, pinatunayan niya na ang engaging personality niya on-cam ay pareho lang off-cam.

A wish and a challenge

When asked kung ano ang naging mga wish during his birthday at anniversary ng Startalk, si Tito Joey ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa. "Well, the usual, pero sana lang maglikot pa 'yung mga artista, gumawa ng iskandalo para buhay na buhay ang ang show. Kasi pag nanahimik ang mga 'yan, wala na kaming show, nandun lang naman ang buhay nyan eh--sa bawa't galaw nila.

"'Yan ang totoo, sa bawat galaw ninyo, may show kami. Ganun eh! Pag nag[sipag] bait lahat nyan, eh wala," dagdag pa niya.

"'Yun nga minsan hinamon ko ang mga artista, 'Manahimik kaya kayo ng isang taon--walang lalabas ng bahay, walang gagawa ng ano.' Patay ang mga talk shows, di ba? Ang kinabubuhay ng mga shows katulad ng Startalk ay ang mga extra-curricular, mga extra movements nila off- and on-camera. Ang Startalk? With Lolit [Solis] around, wala kaming takot!"

Nang banggitin ang paborito niyang co-host niya, pinatunayan niya na ang kanilang closeness at on-screen tandem ay isa sa mga dahilan kung bakit ang Startalk ay longest running showbiz-oriented talk show dito sa Pilipinas.

"Mahal ko 'yan! Ang dami ko na ngang offers, mga talk shows [din]. Ang iniisip ko kung gagawa ako ng format--not in the evening, but in the morning--tipong The View, ang una kong choice agad si Lolit," paliwanag ni Tito Joey. "Siyempre mixed ito like Regis Philbin and Kelly [Ripa]. Pwede kaming dalawa…'Yung late night may mga bawal ka pa rin. Kaya mas gusto kong morning show. Si Lolit, basta mga kadema-demanda patitira ko sa kanya!”

Ano ba talaga ang sikreto ng ng Startalk at pilit itong ginagaya at tinatapatan ng iba, ngunit binabalik-balikan pa rin ng mga manonood?

"Dahil sa mga talk shows na katulad ng Startalk, nag se-surface ang mga tsismis eh, mga pang kiliti sa utak ng tao," tugon niya. "Importante ang tsismis kasi pag wala ng tsismis, hindi na bubulong ang tao, wala tayong whispers. Importante din 'yan eh."




Kaya huwag kaligtaan ang mga intriga, issues at kontrobersya sa Startalk, Saturdays after Eat Bulaga!

Pag-usapan si Joey at ang Startalk sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by tonszkee on December 17, 2009
    sir joey d'best ka talaga isa ka talaga sa mga haligi ng pinoy showbiz di gaya ni willy tinik ng showbiz hayop sa yabang bobo naman he3...wish ko sana makanood me bulaga live pag bakasyon ko sa march sama ko family ko gudluck idol more power..Godbless!
  2. 2. Posted by mariamendoza on November 12, 2009
    joey de leon, napakatalented mo. idol! Pa arbor ng isang painting mo joey kahit yung sketch lang. ang lupit nun! ipapa frame ko!

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.