Article posted November 06, 2009
Rating:
Sa pagkawala ni Sunshine Dizon sa “Tinik sa Dibdib,” nabigyan ng big break si Nadine Samonte upang ipagpatuloy ang lead role sa series. Ano ang nararamdaman niya sa challenge na ibinigay sa kanya ng GMA? Text by Loretta G. Ramirez, Photo courtesy of GMA Network
Isang malaking pagsubok ang hinaharap ngayon ni Nadine Samonte sa pagpapatuloy niya sa role ni Lorna sa Tinik sa Dibdib. And as expected hindi mawawala ang mga intriga sa pagtanggap niya sa project na ito. Maraming tanong ang dapat niyang sagutin para sa mga tagasubaybay ng afternoon drama series.
Sa Showbiz Central, matapang na sinagot ni Nadine ang mga tanong ni Mo Twister about her big break and stressed that she is willing to face all the challenges na sasalubong sa kanya, including the so called “wrath” of Sunshine Dizon's fans.
"Syempre sabi ko nga noong unang-una pa lang, there is always a comparison, at hindi talaga mawawala 'yun. So kung hindi nila ako matanggap alam ko naman na may ibang tao na maiinitindihan ang side ko and for sure siguro matatanggap din naman ako," ang matapang na sagot ng StarStruck alumna. "Hindi naman 'yun ang magiging reason para mag-resign ako or what."
Nilinaw din ni Nadine that she has always recognized Sunshine Dizon's talent as an actress and that she is humbled by the network's decision para bigyang-buhay ang role na dati ay kay Sunshine.
"Ate Shine na 'yan e. Alam naman natin na she is a very good actress pero siguro, hindi ko masasabi na mas ibibigay ko ito kesa sa kanya pero ang masasagot ko lang dyan sa ngayon ay gagawin ko ang lahat, ibibigay ko ang best ko at hindi ko ipapahiya ang GMA-7 na ako ang pinili nilang kapalit."
Panoorin ang portrayal ni Nadine Samonte sa Tinik sa Dibdib weekdays sa Dramarama sa Hapon ng GMA.
Pag-usapan si Nadine sa sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
Kamustahin si Nadine via Fanatxt! Text NADINE ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS NADINE ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
-
1. Posted by bena_vides
on November 24, 2009
magaling k naman nadine k ya mo yan go go go
-
2. Posted by evang143
on November 16, 2009
Ang galing talaga ni nadine i hope maka telebabad soap ka your so great umarte, idol talaga kita since starstruck days pa promise.....
-
3. Posted by angel25
on November 14, 2009
Congrats, Tinik is in the Top 10 of both the TNS National and AGB Mega Manila surveys, so correct, di mo nga pinahiya ang GMA, nagdala ka pa ng pride sa kanila.
-
4. Posted by ailleen29
on November 13, 2009
sna nga lang di k lang pamaliut sa role, syempre mas maganda bigyan k ng magandang project n ikaw ang leading lady s primetime,sna GMA7 bigyan nio si nadine ng pangprimetime n cya ang bida....mganda naman c nadine kun bibigyan ng magandang exposure tulad ng iba jan.. at marunong pang umarte....
-
5. Posted by evang143
on November 8, 2009
Wow ang galing talaga ni nadine kaya lagi ko tong pinapanuod sa gma pinoy tv...More Project for nadine GMA....
















