Article posted November 04, 2009
Rating:
Ginanap ang story conference ng bagong primetime series ng tambalang Aljur Abrenica at Kris Bernal sa GMA-7 kahapon, November 3.
Pagkatapos ng afternoon soap na Dapat Ka Bang Mahalin? at primetime soap All My Life, ang kanilang next project ay isang telefantasya. Wala pang final title itong bagong primetime offering, pero ang working title ay The Last Prince.
Base sa impormasyon na nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), pinaghalu-halong fairy tales ang bagong serye nina Aljur at Kris. May pagka-Beauty and the Beast, Sleeping Beauty, at Cinderella raw ang kuwento nito.
May human at fantasy world din daw ito. Si Kris ang nasa human world habang si Aljur naman ay nasa fantasy world. Magki-create rin daw ng bagong fantasy world para sa telefantasya nila.
Bagamat hindi masyadong nag-hit sa takilya ang launching movie nina Aljur at Kris na Nandito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo, hindi naman ito naging hadlang para hindi sila patuloy na suportahan at pagkatiwalaan ng Kapuso network ng panibagong series. This time, sa primetime na talaga sila mapapanood.
Ilan sa mga artistang makakasama nina Aljur at Kris sa The Last Prince ay sina Eula Valdes, Angelu de Leon, Chanda Romero, Chynna Ortaleza, Bianca King, Emilio Garcia, Karen delos Reyes, Bubbles Paraiso, at Paolo Ballesteros.
Naka-schedule na ang pagsisimula ng taping bukas, November 5, at balitang pang-opening salvo raw ito ng Kapuso network sa 2010.
Ang direktor ng The Last Prince ay si Direk Mac Alejandre. PEP.ph
-
1. Posted by raHyan_383sound
on November 24, 2009
i wish aljur and kris all the best para sa bagong show nila,,......i will always watch it....sana mapareha din sila sa ibang artista para mas lalong maging mature sila sa acting....
-
2. Posted by bienruan21
on November 21, 2009
this is definitely a show that i don't wanna miss....a promising tandem of aljur-kris and a beautiful, versatile actress Angelu de Leon!! she really has what it takes to be a BIG Star...congrats angelu.
-
3. Posted by robbiethompson
on November 17, 2009
ANGELU DE LEON will play support to AL-KRIS..wow!!
-
4. Posted by PRINCE0807
on November 12, 2009
Sana sure na yung title na DADALHIN KITA SA AKING PALASYO mas may dating at kilig. Fantasy at the same time may romantic connotation. Iba talaga pag tagalog ang title mas nag reregister sa isip ng tao at mas nakakarelate sila.
-
5. Posted by rtc1325
on November 12, 2009
kaya hindi masyadong nag-hit ang movie dahil sa natapat ito sa mga nangyari sa atin bansa. Pero for me #1 parin silang dalawa.
-
6. Posted by rtc1325
on November 12, 2009
kahit ano ang title ok lang, basta silang dalawa ang bida.
-
7. Posted by zelski0526
on November 11, 2009
i like Aljur so much! gus2 q na rin c Kris sa knya pero sna nmn wag msyadong OA c Kris sa mga interviews lalo na pg ksma nya c Aljur...
-
8. Posted by PRINCE0807
on November 5, 2009
Sana wag The last Prince ang title gawing tagalog para mas may impact sa masa why not make it Ang Prinsipe ng Buhay ko mas may dating at kilig
-
9. Posted by krisaljur2479
on November 5, 2009
wow...congrats alkris sa nxt teleserye abangan namin... go go alkris 4ever...
-
10. Posted by nymphaz
on November 4, 2009
very promising and bagons project nina Kris at Aljur..isan magandang opening salvo sa taong 2010
















