Article posted October 26, 2009
Rating:
Nasaksihan natin noong nakaraang Sabado ang mga tagpo sa isang espesyal na feature ng 'Dear Friend'. At para kay Ynna Asistio, bilang si Ella, isang mentally challenged na dalaga, isang napaka-laking oportunity ito to prove her acting abilities. Text and photos by Erick Mataverde.
Unang nakausap ng iGMA ang direktor ng Dear Friend presents, 'Special' na si Mark Reyes about Ynna Asistio's return to acting, at siya ay hindi na-dissapoint sa nakita niya.
"Si Ynna, for a first-timer, she is very [good]. It's in the genes," pahayag ni Direk Mark sa amin tungkol sa anak ni Nadia Montenegro .
Maalala natin that just last month, Ynna signed a contract with GMA Artist Center (GMAAC). and she reveals na she was in the process of wrapping up a project with another TV station.
"Okey naman po, nag-enjoy po ako, kaya lang parang mas at-home mas comfortable ako sa GMA," ang pag-amin niya. "Pero okey naman po, nag-enjoy naman po ako dun eh."
At during her signing tinanong namin kung sino ang mga gusto niyang maging leading man.
Sagot naman ni Ynna, "Leading man? Either Mark Herras or JC De Vera, si JC naging ka-close ko dahil kapatid ko kay Tita Annabelle [Rama]."
Kaya Ynna gets one of her wishes fulfilled as she stars opposite JC in the coming episodes.
At, technically, ito ang pangalawang project niya sa Kapuso network, ever since she signed with GMAAC.
"Nag-Maynila ako with Paulo Avelino, at ngayon eto po, Dear Friend," tugon ni Ynna.
Even though we can consider na madami na rin siyang experience sa acting, she admitted na kinailangan pa rin niya ng kaunting refresher dito. And she told us that help came from an unexpected source.
"Sa totoo lang po nung first day na binigay sa akin 'yung script, kinakabahan ako kasi sabi ko parang mahirap tsaka parang kababalik ko lang, kailangan kaya kong gawin. Si Kuya Jay Aquitania nasa bahay nung day na 'yun, nagpatulong ako, tapos parang inaano niya ako, [sabi niya], 'Pakita mo sa akin kung ano ang gusto mong gawin.'" salaysay ni Ynna. "Nahihiya ako, sabi niya, 'Kung ngayon pa lang sa akin nahihiya ka, pano pag nag-taping ka, ang daming tao.' So parang winorkshop niya ako. Nagsimula kami 10pm, natapos kami 2am."
Dagdag pa ng dalaga, "Nung dumating ako dito, ginusto ko talaga mag-concentrate, kasi hindi nga po alam kung paano ko po ipo-portray 'yung role ng semi-retarded. Sabi naman ni Direk [sa akin], 'Good!'.
"Akala ko mahihiya ako all-throughout pag ginawa ko, pero nung second to third na sequences na, sabi po nila matagal ko nang ginagawa 'yun. Pero nakakatuwa po at nae-enjoy ko na po siya. Dati po kasi kahit anong role ibigay sa akin nahihiya ako, siguro ngayon medyo kumapal na ang mukha ko!(laughs)" ang pabirong banggit ni Ynna.
Pag-usapan ang balik-akting ni Ynna sa Dear Friend sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!
















