Article posted October 15, 2009
Rating:
Gabi-gabi na namang magba-bonding ang buong family sa pagbabalik ng number one game show ng bayan. Kaya naman get ready to play...Family Feud! Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio
Last October 13 (Tuesday), ginanap ang press launch ng top-rating game show Family Feud (season 3) sa Studio 5 ng GMA Network. Masayang masaya ang mga press people na umattend dahil they were able to play the much-loved game show. At syempre pa, sino ba ang hindi kikiligin sa multitalented host ng show, walang iba kung hindi si Richard Gomez na totoo namang napaka charming while he was interviewing the contestants.
Premiering on October 19, inamin ni Richard na very excited siya sa pagbabalik ng show at idinagdag pa niya na may mga pagbabago ito na tiyak namang ikatutuwa ng mga viewers.
"Ang tagal kong inintay ang pagbalik eh (chuckles) parang ang tagal naman ng paghihintay to. Naghintay kami ng 26 weeks! Ang tagal!" ang natatawang pahayag ni Richard. Idinagdag pa niya na sa pagbabalik ng show, may mga changes silang ginawa para mas maging exciting ang third season ng Family Feud.
"The game is basically the same, 'yung segments lang [ang nabago]. Imbes na tatanungin ko ‘yung leader ng family niya, meron ng VTR na ipinapakilala 'yung family nila. Tapos, game proper na.
“Meron pa pala kaming nadagdag. Meron na kaming Miss Pampabuenas (Ms. Pam). Siya ‘yung naghahatid ng mga contestants sa soundproof booth at siya 'yung may hawak ng pera. Kapag kinakabahan 'yung contestants siya din 'yung yumayakap."
Aside from this, Richard explained the biggest change in the show.
"Nationwide na kami! Para yung mga people from the outskirts of Metro Manila, puwede silang mag-audition" ang proud na pahayag ni Richard. He added that the show will shoulder the accommodation and travel expenses ng mga mapipiling pamilya.
Siguradong isa na namang kapanapanabik na show ang sususbaybayan ninyo as Family Feud begins airing on October 19, right before Ikaw Sana sa mas pina-agang GMA Telebabad.
Tandaan, the family that plays together, wins together!
Pag-usapan ang pagbabalik ng Family Feud sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
















