Article posted October 13, 2009
Rating:
Tahimik na ang issue between Sunshine Dizon and Iza Calzado na lubos na pinag-usapan before the launch of their respective Sine Novela series. Paano nga ba nagkaayos ang dalawa? Photos provided by GMA Network.
During the grand press conference na ginanap para sa Tinik sa Dibdib at Kaya Kong Abutin ang Langit, inungkat from Sunshine Dizon ang issue ng pag-aaway nila ng kaibigan niyang si Iza Calzado.
Pero sabi ni Sunshine, wala naman daw talagang away at walang paliwanagan na nangyari. "Friends should be like that. You don't need explanations, whatsoever."
Sunshine says that being part of show business for a long time now, alam na rin niya na hindi maiiwasan ang mga ganoong issues. "Hindi ka naman maba-bother if it's not true."
She did reveal that it was only during the birthday special na inihanda ng GMA for Dingdong Dantes na nagkita silang muli.
"We saw each other doon sa rehearsals," kuwento ni Sunshine. "When I kissed her, I [went], 'you don't have to explain anything anymore.' I guess that was it."
Wala na daw kay Sunshine kung bigyan pa ito ng kulay ng ibang tao. For her, wala naman daw talagang issue to begin with. "It's not an issue."
And sa mga nagtatanong if anything changed sa friendship nilang dalawa, Sunshine says "wala naman nagbago." Though she does admit that she gets to spend less time with Iza nowadays, she stresses that "it's just a matter of having two different projects at the moment. I just hope and pray that both the shows will do good."
With their current projects airing back-to-back, hindi na rin naiwasan na maitanong kay Sunshine how she feels about being compared sa kanyang friend. Sunshine is quick to reply: "It's two different shows po, and sana people will stop pitting us against each other din. Let's give chance naman sa parehong show. I believe that we both have a very good project at hand, a very good cast, very good directors. Sana ang mabigyan pansin ay 'yung istorya, 'yung mga kasama naming--hindi na 'yung mga iba-iba pang mga kuwento."
Dagdag pa niya, "kasi hindi naman kami magkalaban--ang kalaban namin [sa] ibang network."
Besides, Sunshine is happy for audiences to see a different side of her and Iza. "Honestly, hindi ko kasi masyado alam 'yung story ng [Kaya Kong Abutin ang Langit]," Sunshine tells us. But she says she knows Iza will do well in her role. "I wish her well."
As for her own role, she says, "I think it's a good change naman, coming from All About Eve [where] people really hated me. What's good naman with me and my audience, naa-accept nila na magko-kontra ako, tapos magiging mabait naman and all that."
Sunshine continues, "I like to keep it that way [because] I also like to keep doing characters na iba-iba kasi I get bored easily pag pare-pareho din e."
May gusto ka pa bang alamin tungkol sa award-winning young actress na ito? Then now's your chance! After two years, magbabalik na si Sunshine Dizon sa iGMA Live Chat! That's today, October 13, from 2 p.m. to 4 p.m. only here on iGMA.tv.
Sine Novela presents Tinik sa Dibdib airs weekday afternoons sa nangungunang Dramarama sa Hapon ng GMA.
Pag-usapan si Sunshine sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
-
1. Posted by kritikongpinoy
on October 12, 2009
Ngayong napabalitang papalitan na si Sunshine Dizon sa Tinik sa Dibdib, mas magandang bigyan ng pagkakataon ng GMA-7 si Jolina Magdangal sa drama department at siya ang gumanap sa babakanteheng role ni Sunshine. Come to think of it ang original na gumanap sa Tinik sa Dibdib na si Nora Aunor ay tulad ni Jolens na maliit, singer at actress.
















