Article posted October 01, 2009
Rating:
Tapos na ang bagyo, but the road to recovery para sa mga affected areas ng Typhoon Ondoy ay magsisimula pa lang. Relief drives have popped up all over the metro, kaya naman our favorite Kapuso stars are turning their attention to the next step: cleaning up! Text and Photos by Jason John S. Lim.
Sa Unang Hirit kahapon ng umaga, September 30, sumama sina Richard Gutierrez at Richard Gomez sa clean-up drives na inihanda ng GMA-7 to jumpstart what would hopefully be a successful campaign para sa phase two ng pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ondoy--ang paglilinis sa mga basurang iniwan nito.
Sabi ng nakababatang Richard, "We're not here as artists, pero nandito tayo bilang citizens of the Philippines. At sabay-sabay nating tutulungan ang mga tao dito for the clean-up."
Paghihiwalay ng basura
Sa Baranggay Tumana, Marikina City nagpunta si Richard Gutierrez, kasama ang Unang Hirit hosts na sina Paolo Bediones at Eagle, at ang ilan sa mga cast-off ng unang Survivor Philippines. Ang kanilang agenda ay linisin ang kalsadang malapit sa ilog na nag-overflow sa kasagsagang ng bagyo.
"Sa pananalasa ng Bagyong Ondoy, marami itong basurang naiwan," panimula ni Richard Gutierrez. "Isa lang sa maraming lugar itong Tumana, Marikina." Hindi maiiwasan ang problema ng basura matapos ng baha, ika ng binata, "pero [may mga] tamang paraan sa paglilinis ng mga basurang ito."
For his part, the lone Gutierrez twin started with segregation. Ilang mga boy scouts, firemen and other officials ang tumulong para pagsamahin ang mga basurang kinalat ng baha. Pagkatapos nito, Richard teaches that the trash would need to be sorted out bago isakay sa mga dump trucks.
"Isipin po [muna] natin nang mabuti kung ano 'yung mga puwede pa nating gamitin, at puwede nating i-recycle, na gamit." Afterwards, Richard says na kailangan ng maayos na waste segregation sa pagtapon ng mga hindi na puwedeng gamitin muli: "'Yung mga hindi po nabubulok, 'yung mga plastic [at] styro, ihiwalay po natin yan sa mga nabubulok na bagay, tulad ng mga kahoy [at] papel." Dagdag niya, "'yung mga plastics, puwede rin po nating ibigay sa mga junk shops [for recycling]."
Paglilinis ng kalsada
Samantala, sa Gruar Subdivision, Cainta, Rizal, tinuturuan naman nina Richard Gomez, kasama nina Suzi Entrata-Abrera at JC Tiuseco, ang mga residents nito kung ano ang dapat gawin after i-clear out ang mga basura--to soap and wash the streets. Ito raw ay para malinis ang mga kalsada, at maiwasan ang mga sakit na idudulot ng mga nagde-decompose na mga basura sa daan.
Nakausap namin si Goma during the clean-up, kung saan tinanong namin kung bakit kailangan ipakita ng mga artista ang mga ginagawa nilang pagtulong sa mga mamamayan, and here's what he said:
"Kasi alam mo, 'yung mga artista, sila 'yung mga role model ng society natin. Karamihan sa mga nakikita nilang ginagawa ng artista, ginagaya niya. And, you know, through the influence of the actors, the artists, and other celebrities, madaling tumawag ng mga tulong sa mga mamamayan through television."
Dagdag ng aktor, "Kaya ginawa ng GMA itong Operation Bayanihan [ay] para ibalik natin 'yung spirit ng pagtutulungan ng mga Filipino, especially in times like these. Lalo na ngayon, nag-subside na 'yung tubig, pero ngayon talaga makikita 'yung dumi na nasa lansangan. It's about time na magtulong-tulong tayo, linisin natin 'yung kapaligiran because [if] we leave it dirty, maraming puwedeng magkasakit."
He also stresses the importance of cleaning out the garbage brought about by the flood. "'yung mga kalat, 'yung mga plastic na nakikita natin diyan, yun 'yung magpapatuloy na magbara sa mga kanal, sa mga imburnal natin."
At sa mga gustong tumulong, Richard Gomez tells us na sana magpatuloy ang pagbibigay ng relief goods. "Tapos, maraming activities na tulad [ng clean-up drives] para makatulong sila," he continues.
"Maraming gustong tumulong," he tells us. "Kaya lagi naming dine-direct sa mga hotlines. Maraming TV stations, maraming mga government agencies na puwede nilang tawagan kung saan sila gustong tumulong."
Ikaw, gusto mo bang tumulong? To find out how you can help, contact the GMA Kapuso Helplines through these numbers: 981-1950 to 59.
















