Article posted September 25, 2009
Rating:
Sa pagtatapos ng ‘Sine Novela Presents: Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin’, ikinuwento ni Rich Asuncion ang masasayang moments niya with the cast, especially with the two leading ladies of the show na sina Maxene Magalona at Glaiza de Castro. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch Mauricio.
"Pinaka mami-miss ko siyempre sila Maxx and Glaiza na naging best friends ko. We are the Powerpuff Girls! Sobrang naging best friends ko sila," ang kuwento ni Rich Asuncion sa iGMA nang makapanayam namin siya about the finale of Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.
"Until now lumalabas pa rin kami. We do sleepovers. And lumalabas kami palagi. Sana patuloy pa rin ito kahit hindi na kami magkakasama [sa show]."
Dahil nga sa na-developed na closeness ni Rich kina Maxene Magalona at Glaiza de Castro, hindi maiiwasang ma-miss ni Rich ang dalawa.
"Ang pinaka-memorable na moment namin is nung nagcheck-in kami nila Maxene at Glaiza sa hotel," salaysay pa ni Rich. "Sobrang drama, as in parang eksena. Basta nakakatawa, kung makukwento ko lang sa inyo lahat pero hindi puwede eh. Girl bonding talaga, as in napaka unforgettable talaga."
Hindi din lingid sa mga sumusubaybay ng soap na ito na may nangyaring malagim sa character ni Rich na si Joyce and when she returned ay mas naging palaban pa siya.
"Mas mabigat na ang mga pinagdadaanan ni Maureen, at dahil sobrang bait ko na kaibigan, dapat maging stronger ako for her," paliwanag niya.
At ano ba ang kaabang abang sa mga huling araw ng Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin?
"Sobrang basta, i-guess na lang nila kung sino talaga ang makakatuluyan nila ni Maureen," tugon ni Rich. "Medyo magugulat din kayo. Kahit ako hindi ko akalain na siya ang magkakatuluyan ni Maureen."
So what is in-store for them after this? Since Glaiza is now busy with Stairway to Heaven, may isang hiling si Rich para sa kanila ni Maxene na sana matupad.
"I'm still, of course in SOP, it’s a regular show of mine pa rin, pero ‘yung soap, hindi ko alam kung ano. Si Maxene din hindi pa niya alam kung ano, pero sana magkasama kami ulit."
Pag-usapan ang ending ng Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!
Kamustahin sila Rich via Fanatxt! Text RICH ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS RICH ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
-
1. Posted by jm_handsome27
on November 13, 2009
ganda mo talaga... ang bait mu pa.. sana my movie kna ikaw un bida
















