Rhian compares Dingdong and Richard
Article posted September 23, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Isa sa mga haligi ng GMA Telebabad ang laging nakakatambal ni Rhian Ramos sa kanyang mga television projects. Kaya naman sa kanyang first project with another one of GMA's bankable prime time star, hindi maiiwasang ipakumpara sa kanya ang kanyang mga leading men. Text by Jason John S. Lim. Photos provided by GMA Network.

starsCaptain Barbell, Lupin, Codename: Asero at Zorro--ilan lamang ito sa mga prime time hits ng GMA-7 kung saan pinagtambal sina Rhian Ramos at Richard Gutierrez. Kaya sa unang pagpapares kina Rhian at Dingdong Dantes para sa Stairway to Heaven, marami ang nagtanong sa kanya—ano ang kaibahan in working with two of GMA-7's bankable leading men?

"Pareho silang maalalay," Rhian answers. "Pero in a different sense."

Kuwento ni Rhian, iba ang working relationship nila ni Richard. Especially since nagsisimula pa lamang siya sa show business, ito na ang kasama niya. Samantalang, ito pa lang ang first time niyang maka-trabaho si Dingdong.

Pero hindi maiwasan ng dalaga na ma-impress sa kanyang Stairway to Heaven leading man.

"Pag narining na 'yung 'Action!' [sa set], hindi mo na makikita si Dingdong." Rhian shares na very passionate raw ang partner niya sa craft nito, at nag-iiba raw talaga si Dingdong once he is in front of the camera portraying Cholo.

Rhian notes na magkaiba talaga ang atake nina Dingdong at Richard sa kanilang pag-arte. She says Richard has a way of giving all his roles that distinct Gutierrez style. Pero bawi niya, "'yung project [Stairway to Heaven], may requirement to lose yourself."

Masasabing isa sa mga main differences with working with Dingdong and Richard is that hindi nako-compare si Rhian sa mga previous leading ladies ni Richard. Pero, Rhian refuses na makumpara ang partnership nila ni Dingdong with the love team of Dingdong and Marian Rivera.

"It's hard to say, bilang love team sila [at] kami hindi," Rhian answers nang tanungin kung sa tingin ba niya ay kayang lampasan ng Dingdong-Rhian ang kasikatang tinamo ng Dingdong-Marian.

At kung bakit partnership ang tawag niya sa team-up nila ni Dingdong, Rhian says it's because what she and Dingdong has is purely professional.

Ikaw, may questions ka ba for Rhian regarding her partnership with Dingdong? Kung meron, ihanda mo na ang inyong mga taong dahil Rhian has a live chat coming up this September 29, from 2 p.m. to 4 p.m.!

"Ngayon pa lang, pag-isipan niyo na ang lahat ng gusto niyong itanong," Rhian says. With her new show now airing on GMA Telebabad, she adds, "baka may gusto kayong malaman."

Stairway to Heaven airs weeknights pagkatapos ng Darna at bago magsimula ang Rosalinda, dito lang sa GMA-7.

Be always updated sa mga ginagawa nina Rhian! Just text RHIAN(space)ON to 4627 para sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by cute_marilou on September 22, 2009
    hii rhian kumusta ka na gusto ko ang tv yung stairway to heaven bagay2x kayo iloveu

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.