Article posted September 22, 2009
Rating:
Hindi raw inaalis ni Mark Herras ang posibilidad na ligawan niyang muli ang dating nobya na si Jennylyn Mercado. Bukod pa rito, handa raw ang aktor na maging ama ng baby ng aktres.
Kabilang ang entertainment reporter na si Aubrey Carampel sa mga sumaksi sa press launch ng bagong soap nina Mark at Jennylyn na Ikaw Sana, na may temang Christmas dahil sa pagsisimula ng "-ber" month.
Makakasama ng dating magkasintahan sa naturang project bilang ka-love triangle si Pauleen Luna, na minsan na ring naugnay kay Mark.
At dahil sa muling pagtatambal nina Mark at Jen sa prime time ng GMA 7, patuloy na umaasa ang kanilang mga fans na muli rin silang magkakabalikan.
Sa panayam ng press, inamin naman ni Mark hindi imposible na muli niyang ligawan si Jennylyn. At kahit raw ang papel ng pagiging ama sa baby ng aktres na si AJ ay handang akuin ng young actor.
"Puwede, oo matagal ko ng gusto na magkaroon ng anak... hindi porke may baby na 'yung tao hindi mo na puwedeng mahalin o magkaroon ng relationship. Wala namang kaso kung may anak na ‘yung tao," pahayag ni Mark sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
Ninong si Mark sa baby ni Jen at talaga naman daw close ang aktor sa bata.
"Dadalawin ko nga dapat nung isang araw ‘yung bata, kaso tinamaan ako ng sakit kaya din na ako tumuloy," paliwanag ni Mark.
Sinabi naman ni Jen na laging bukas ang kanyang pintuan para kay Mark. Wala rin daw problema kung kilalanin ng kanyang anak bilang ama ang dating nobyong si Mark.
"Si AJ dinadalaw n'ya (Mark) po talaga. Ninong po kasi siya, lagi ko naman pong sinasabi na laging may special place siya sa aking buhay," paliwanag ni Jennylyn. -- Fidel Jimenez, GMANews.TV
-
1. Posted by lirael_90
on December 4, 2009
can someone translate me this article? pls..i'm not a philipinos but i'm interested in your showbiz
-
2. Posted by mclhyne
on November 13, 2009
agree ako sa inyong lahat.. grabe ganda ng story ng soap nila no.. sana sila n para happy tayong mga fans nila.. at sana huwag hayaan ng GMA n lumipat yung mag love team sa ibang station.. solid GMA ksi ako eh.. jen and mark love u both.. sa GMA lang kayo ah.. marami pa sanang dumating n project sa inyong dalawa sa GMA.. more power GMA 7
-
3. Posted by lancets123
on October 2, 2009
pwede!!!
-
4. Posted by jessica_14
on October 1, 2009
wow!
-
5. Posted by nej03
on September 29, 2009
wee,,,sooo happy kasi balik tambalan na ulit sila...super kakilig ang bawat scene nila sa new soap nila,,,sana sa true life ganoon din... sana magkabalikan na ulit sila for sure maraming fans nila ang matutuwa and i'm one of them,,,sooopppeeeerrrr....thank you sa GMA kasi yun nga sa new soap ni mark at jen sana pagpatuloy nyo pa ung mga shows nila... sana ligawan ni mark si jen,,, basta pinapanood ko sa youtube ung ibang guesting at interview sa kanila...super kakilig talga... alam ko yung isang pinagshoshootingan nila sa ikaw sana ung sa balite falls sa amadeo... share lng...tapos ung bhay ampunan dito ata sa may cavite din...huhuhu...i wanna see them both...super kakilig tlaga...un sana sila na forever on and off screen na sana... more powers sa GMA at mark jen fans... mwah
-
6. Posted by kheena_mhina
on September 28, 2009
agree ako jn!!! sana nga ligawan n ni mark c jen!!! dahil bagay nman tlaga cla dalawa!!!at ramdam ko mahal p nla ang isat isa!!!
-
7. Posted by leaham
on September 23, 2009
agree ako sayo tlaga nmang nka kakilig sina jen at mark sa bago nlang soap. kahit hindi ako nka panood noong monday kasi 7 nko nka uwi pro last night inabangan ko at worth waiting tlga. hindi lng nka kakilig mganda din ang storya nito. so mga kapuso suportahan natin sila. god bless and gud luck for both of you.
-
8. Posted by jddelacruz
on September 22, 2009
ang ganda ng unang araw ng IKAW SANA...sayang nga lang kasi hindi ko na mapapanood kasi may pasok na ako sa opis...pero for sure maraming manonood ng IKAW SANA kasi nakakakilig ang mark and jen love team...sarap ma inlove sana nga sila na ulit...goodluck sa new show...mwah!
















