Mark and Jen, balik-prime time
Article posted September 22, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

’Ikaw Sana’ comes as a fitting reunion for Mark Herras and Jennylyn Mercado, na huling nakita sa afternoon drama, ‘Sinenovela Presents: Paano Ba Ang Mangarap?’ Press release and photo from GMA Network with additional text by Loretta G. Ramirez.

starsIn this new dramatic series, Jennylyn Mercado stars as Eliza Montemayor, a music teacher, whose life is about to change. With the untimely death of her mother, napilitan si Eliza na tumira sa legitimate family ng father niya, played by Tirso Cruz III. Dito niya nakilala si Sofia, ang kanyang half-sister portrayed by Pauleen Luna.

Despite being raised literally and figuratively worlds apart, nagkasundo si Eliza and Sofia quite unexpectedly and quickly became friends. But their blossoming friendship was cut short when they realize that sharing the same father is only one of the many things they have in common. Sofia and Eliza are in love with the same man, si Michael na ginagampanan ni Mark Herras.

Siguradong maraming mga fans ni Mark and Jen ang matutuwa sa pagbabalik tambalan ng dalawa, lalo na dahil ang Ikaw Sana ay isang napagandang proyekto, a fitting follow-up sa Paano Ba Ang Mangarap? Pero marami sa kanila ang nagtatanong kung may mga daring scenes din ba ang dalawa sa Ikaw Sana?

"Sa ngayon hindi pa namin alam kasi week one pa lang, nasa at half part pa lang kami ng week two so wala pa pong masyadong [daring scenes],” ang sagot ni Jennylyn. Pero tiniyak naman niya na maraming dapat abangan ang kanilang mga loyal fans sa Ikaw Sana, na siguradong magpapakilig sa kanila.

For Mark naman, sa tingin niya, mas challenging itong role niya ngayon kaysa sa Paano Ba Ang Mangarap?

"Ito kasi, magkapatid sila. And then, at first, I have a relationship with Pauleen, and then, mami-meet ko si Jen. Tapos, may conflict kaya hindi ko maituloy ang pag-ibig ko kay Jen because of my lolo [Tony Mabesa]. My lolo is dying at ang request niya, pakasalan ko si Pauleen.

"Siyempre, kapag makita mo ang lolo mo na nagmamakaawa sa 'yong ganoon at dying, siyempre ‘yun ang susundin mo. Pero siguro, towards the ending, mas ipaglalaban ko pa rin ang feelings ko," ang kwento ni Mark about his character.

Sa balik tambalan nila nito ni Jen, maraming mga fans and nagdarasal na sana mangyari na ang kanilang pinakahihintay na pagbabalikan. Ano naman kaya ang masasabi ni Mark dito?

“Ever since naman, hindi naman nawala ang feelings ko for Jen. ‘Yun naman ang pinaka-precious relationship na nagkaroon ako ever since. ‘Yung kay Jen ang pinaka-trinesure ko. ‘Yun ang pinakamatagal at trinesure [ko].”

Huwag palampasin ang pagbabalik tambalan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Panoorin ang Ikaw Sana, magsisimula na ngayong gabi sa GMA Telebabad!

Pag-usapan ang Ikaw Sana sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by ehmily on January 19, 2010
    sana kayo nalang magkatoluyan!!!
  2. 2. Posted by mhelocee14 on September 28, 2009
    bagay po kau'!!!!
  3. 3. Posted by spark0508 on September 22, 2009
    namn!!!,ganda ng new show nio,,,stii kilg ever,, we'll will watch dat evryday,walang lipatan!!! hehehe..MJ TOPAK...
  4. 4. Posted by nhallyne on September 21, 2009
    i so love jen & mark love team.. bagay talaga sila.. sana nga magkabalikan na sila.. yey' i love you' jen & mark.. ganda ng new show niyo.. panalo! :)
  5. 5. Posted by cHenN on September 21, 2009
    ang GANDA,kkaExcite!(khit meju bitin ^_^).,umpisa p lng cgurdo qng tutok aq d2 arw-arw.,i luv MARK-JEN together.,andun p rin tlg ang KILIG!gudluck for the coming days,suport aq dyan mula umpisa hnggang end,promise!wla aqng pplgpsing arw =)
  6. 6. Posted by simplegurl_09 on September 21, 2009
    ..haixt. nkkecite aman 2ng new show nila. kklig tlga clang dalawa. and sana mgkabalikan pa cla.. JEN AND MARK prn 4-VER.. ♥♥

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.