Article posted September 18, 2009
Rating:
Malapit na nating mapanood ang mga madramang eksena sa ‘Sine Novela Presents: Kaya Kong Abutin Ang Langit’. At para kay Angelika dela Cruz, kakaibang role ang kanyang gagampanan sa kanyang pagbabalik telebisyon. Text by Erick Mataverde. Photos by Jason John S. Lim.
"I'm excited to work - mixed emotions. Na-miss ko 'to, pero siyempre ayaw mong iwan ‘yung baby, kasi maliit pa siya, so parang 'di ba feeling ko mag mo-moment muna ako sa bahay ng iyak bago pumunta sa set, 'yung ganun," ang kwento sa amin ni Angelika dela Cruz during the story conference ng Kaya Kong Abutin Ang Langit. "Pero happy, I'm very, very happy."
Ngunit para sa kanya, very welcome ang role na ito dahil sa pagharap niya sa panibagong challenge sa kanyang buhay na hindi dapat pabayaan ang pagiging ganap na ina.
"Hands-on kami, pag wala ako, ‘yung husband ko," banggit ni Angelika. "Sa madaling araw, pag umiiyak si baby Gabriel, siyempre kami ang gigising para mag-alaga."
Kaya para sa role niya bilang Nancy, which was portrayed by Gina Alajar in the original movie, hindi masyadong mahirap ang mga preparations ni Angelika. This, of course, suits her well.
"So kailangan ko uling mag pondo-pondo ng mga duster-duster - kailangan uling mamili. Kasi siyempre nung gumradweyt ako sa mababait na role, kailangan outfit lahat eh," paliwanag niya. "Ngayon balik ulit sa palda-palda, tsine-tsinelas. At least, mahirap din eh, mahirap din ‘yung sobrang effort sa outfit. Nakaka-stress din ‘yun, at least bawas stress."
At dagdag pa niya na hindi siya mahihirapan sa transition dahil, "Before naman, for how many years since I started, I played the good girl naman. Tapos balik nanaman ako sa ganito."
Inamin naman ni Angelika na may mga kaunting adjustments pa din siyang dapat siyang gawin.
"Matagal din, ilang months din. Last time I worked, I was eight months pregnant. Tagal na rin, buwan din," balik-tanaw niya. "Weird nga eh, kasi ako ‘yung mabait! Which is weird. [Pero] maiba naman daw. Panibagong role, panibagong hamon, panibagong paghahanda."
Pag-usapan ang pagganap ni Angelika sa Kaya Kong Abutin Ang Langit. Log on lang kayo sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!
















