Ang Pinay Eunice ng Stairway to Heaven
Article posted September 16, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Ilang beses nang nasasabi na a role is an actress's biggest break—pero for Glaiza de Castro, this is especially true para sa character niyang si Eunice sa 'Stairway to Heaven'. Pero coming from the highly successful 'Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin', hindi ba takot si Glaiza na ma-typecast? Text and Photos by Jason John S. Lim.

stars"Although pareho silang antagonist, different sila ng atake," ang depensa ni Glaiza de Castro sa dalawang character na kanyang pino-portray ngayon: sina Eunice Aragon of Stairway to Heaven at Gladys Andrada ng Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin.

She admits, "ngayon, ina-analyze ko pa kung paano talaga ako makakawala sa Gladys na character. Pinag-uusapan namin nina Direk Joyce [Bernal] kung paano makawala doon sa stereotype antagonist roles na ginampanan, hindi lang ako, kundi ng mga ibang artista."

"They want Eunice to be human, to be a real person—hindi siya caricature na palagi mong nakikita sa TV." Glaiza says that antagonists are a dime a dozen sa television, especially in soap operas. "So parang, ibang atake. Para mas maka-relate sila, para mas maintindihan nila 'yung mga roles ng bawat isa [sa amin]."

Binanggit noon ni Glaiza na she is not trying to make Eunice hers, but she is trying to be more like Eunice. This time, she shares kung paano niya ginagawa ito:

"’Yun nga, as much as possible, kapag pumupunta na ako sa set, or kapag ganyan, nag-start na kami ng pictorial and workshop, nandoon na rin si Eunice sa character ko. Noong last na nagworkshop kami, talagang ini-imbibe ko na siya. The way she walks, pag tumitingin ako sa salamin, parang—'Ang ganda ko!' ‘Yung mga ganoon, para, alam mo ‘yun, magpaboost ng confidence. Para ma-embrace mo talaga siya, unti-unti."

For the role, Glaiza wears hair extension to give Eunice a different look from that of Gladys's. At pati ang pananamit niya as Eunice, mas classy at sophisticated kesa sa mga damit ni Gladys. Pero, most importantly, ibang level ang pag-internalize ni Glaiza sa bago niyang role.

"Wala talagang pekeng sampalan," she divulges to us. "Pag sampal—sampal talaga."

Kuwento nga ni Glaiza, kawawa daw ang co-star niya na si Rhian Ramos sa dami ng sampal na tatanggapin nito. At expected na rin daw ni Glaiza na maraming magagalit sa kanya bilang Eunice, ang tanging request lang niya, "wag po [ninyo] personalin."

starsRemade and Ready Made

Glaiza knows na marami nang batikos sa kanilang show at sa kaniyang mga co-stars.

"Siyempre, kailangan ko rin irespeto 'yung opinions nila," sambit niya sa amin. "Kasi hindi mo naman mapi-please lahat ng tao, 'di ba? I think they just have to wait na lang and see. ‘Wag naman natin isarado 'yung isip natin sa mga possibilities."

She adds, "ang dami rin naming puwedeng gawin."

Para kay Glaiza, negative comments make actors feel inadequate. "Parang feeling namin, hindi kami capable and hindi namin kaya," she explains. "Parang nakakawala ng confidence." Pero, she continues, "in a way, nacha-challenge din kami to prove them wrong—[and that] we're worthy for this role na ipinagkaloob sa amin."

Glaiza promises that she and her co-actors will give their best para hindi ma-disappoint ang mga manunuod ng Stairway to Heaven—and to please the show's already built-in fans.

"Hindi siya maliit na show, hindi siya maliit na project—napakalaki niya," says Glaiza who also acknowledges that the show doesn't only have a following in Korea and the Philippines, and that this makes the pressure to do the show justice even bigger. Kaya nga, she says, "we will try talaga our best para hindi sila ma-disappoint. [And] although nakakapressure, gagawin talaga namin 'yung best para ma-meet 'yung expectations nila, and to not let them down."

Stairway to Heaven airs weeknights pagkatapos ng Darna at bago magsimula ang Rosalinda, dito lang sa GMA-7. Glaiza also appears in the last two weeks of Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin and recurringly on SOP every Sunday.

Be always updated sa mga ginagawa nina Glaiza! Just text GLAIZA(space)ON to 4627 para sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by arancy on October 14, 2009
    sna ipalabas nio po ang the vineyard man.. sNA PO TLGA IPALABAS...
  2. 2. Posted by firenheit on October 7, 2009
    i love glaiza....keep it up!
  3. 3. Posted by diamondboy on October 5, 2009
    Just FYI for Gladys, please change the hairstye, cause her eyes are portruding. Mas bagay pa ang buhok mo sa Kung Aagawin at mas maganda ka doon.
  4. 4. Posted by writ on September 17, 2009
    ang ganda talaga ng STH madadala ka talaga sa mga scenes lalo na sa pang-aapi nila kay Jodi!!!
  5. 5. Posted by ayeh115 on September 15, 2009
    Nakakabadtrip ung batang Eunice.. what more kung malaki n Xa.. I know naman pra s ikagaganda ng show un.. hehe.. meJo nadadala lng kZ aQoh s sCenes.. hehe.. One more thing.. ang galing tlga n ms. Jean Garcia, kht nakakainis ung role nia.. ms bGay tLga sa knyA kontrabida..hehehe

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.