Magsisimula na ang Stairway to Heaven
Article posted September 14, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Starting tonight, mapapanood na ang isa sa mga pinakaaabangang remakes ng GMA-7--ang "Stairway to Heaven." Pero bago pa man ito magsimula tonight, nasilip na ng ilan sa pilot week ng show; at maging ang cast ay nagkaroon na ng sneak peek sa reaction ng manonood. Text by Jason John S. Lim; with Additional Text from GMA Artist Center. Photos provided by GMA Network.

starsIt was May of this year nung sinorpresa ng GMA-7 si Dingdong Dantes with the announcement na siya ang gaganap bilang Cholo sa remake ng network of the hit-Koreanovela Stairway to Heaven.

Fast forward to four months later, handa na ang show magsimula sa GMA Telebabad.

"Phenomenal!" Ang reaction ng leading lady na si Rhian Ramos ng tanungin siya kung anong feeling na finally ipapalabas na ang show nila.

Dagdag niya pa, "parang may isang mabigat na bagay [na] finally may ibang nagbuhat. Ang gaan ng feeling ko ngayon; kung paano tinanggap ng fans, gusto ko i-relive ng i-relive dahil ang sarap."

Talaga namang sulit ang mga hirap ni Rhian for this show dahil pinag-aralan niyang mabuti ang role na Jodi, at ginagawa niya ang lahat ng makakaya nya para matapatan ang mga expectations sa kanya despite the negative issues na lumabas.

Very thankful din si Rhian na nabigyan sya ng pagkakataon ng GMA na makatrabaho ang isa sa pinaka magaling na leading man ng network na si Dingdong Dantes. Kaya naman pinaghalong excitement at kaba ang nararamdaman nya ngayon sa nalalapit na pilot airing ng Stairway to Heaven.

And Rhian's not the only one.

starsCo-stars Glaiza de Castro and TJ Trinidad also share the same sentiment.

"Sobrang overwhelming 'yung feeling," Glaiza tells us. "At the same time, nakakakaba kasi 'yung mga reactions ng tao kay Eunice (her character)—galit na galit sila!"

Si TJ naman, hindi raw ine-expect na ganoon ang magiging reception ng fans sa show. "Hindi ko inexpect na ganoon karami ang pupunta," he adds. "It's a legitimate success. I was very pleased na ang daming tao."

Kaya naman when Stairway to Heaven premieres tonight, see for yourself kung bakit ganoon ang naging reaction ng mga artista sa feedback na natanggap nila!

May gusto ka bang malaman about Stairway toi Heaven? You can ask Rhian Ramos when she returns to iGMA Live Chat this September. Abangan!



Stairway to Heaven airs weeknights sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Darna at bago magsimula ang Rosalinda.

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by ciarasocialto on September 22, 2009
    Napakaganda ng story nang stairway to heaven. Minahal na rin ng viewers itong batang cholo at jodi. pero syempre inaabangan din sina Rhian at Dingdong bilang cholo at jodi. talagang ang ganda ng story parang rosalinda inaabangan din ng viewers.
  2. 2. Posted by aryl21 on September 21, 2009
    wafu ni joxhua .. eheh .. xayang malaki na cLa .. peu wafu pdn kh8 mlki na cla cholo .. eheh .. ganda dn ng mga gurLx .,
  3. 3. Posted by ronald0215 on September 18, 2009
    Pleased be informed that i really like the first week episode of stairway to heaven , i was touch by every scene of young jodi and cholo, even though there were newly artist they were good in acting and have star value/potencial to shine. I m looking forward to watch next week episode of dingdong and rhian. I hope gma will give another project for the two young jodi and cholo. Congratulation to all

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.