Article posted September 10, 2009
Rating:
Sa September 25 na ang inaabangan nating "Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie." At para sa young comedienne na si Sheena Halili, working with Ogie Alcasid and Michael V inspired her na lalo pang paghusayin ang pagpapatawa sa mga manonood. Text by Erick Mataverde. Interview by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.
For her first comedy film, tuwang-tuwa si Sheena Halili na maging part ng cast ng Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie. Dahil dito, nakatrabaho niya ang top funny guys na sina Michael V and Ogie Alcasid na lubos niyang hinahangaan.
"Nakakatunganga! Kasi, sabi ko, 'Sa’n kaya nila nakukuha yung mga adlib-adlib nila?' Ang galing! Magsasabi lang ako ng isang word, gagawa na sila ng kanta about it. Ano pa ba? Basta meron lang akong sasabihin, may kuwento na.
"Lalo na si Kuya Michael, sobrang bilis niya mag-imbento. Tapos is Kuya Ogie naman ang galing niya mag-Angelina, para talagang bata," ang reaction ni Sheena tuwing kasama niya sa mga eksena ang dalawang Bubble Gang mainstays.
Dagdag pa niya. "Minsan, hindi ko pa alam na take na kasi napaka-believable niya. Ang sarap din kasi may matututunan ka rin sa kanila kung papaano maging komedyante
kasi komedyante din ako."
Ngunit hindi lang sa larangan ng pagpapatawa ang nakuha niyang leksyon mula kina Yaya at Angelina. Kasama na rin dito ang attitude pagdating sa trabaho.
"Professional sila--'yung call time is call time. Tapos pag sinabing make-up, make-up sila. ‘Pag sinabing, 'Actors in,' andun na talaga sila." paliwanag niya. "Ang sarap nilang makasama, kasi kasabay ko sila nagla-lunch, nagdi-dinner, tapos kuwento-kuwento, ganun."
Pero ultimately, isang major part sa pagiging successful sa comedy ang balak ma-improve ni Sheena. "Timing talaga ang importante
[at] sana hindi mawala sa akin. Kasi madaming komedyante na 'na-expire' din eh [dahil sa lack of timing], di ba?"
Tinanong din namin si Sheena kung ano ang role niya sa movie at may panibagong "look" siyang pinapamalas sa mga teaser nito. Sabi niya na kasama talaga ito sa istorya at ang puno't dulo nito ang rivalry nilang dalawa ni Yaya.
"Maid ako dito, tapos inaaway ko si Yaya kasi may gusto siya sa driver, kay driver, kay Victor Aliwalas. Na ako naman, gustong-gusto ko si Victor (Aliwalas)."
At hindi lamang siya isang pangkaraniwang maid. Paliwanag ni Sheena isa siyang ma-ambisyon na kasambahay dito, "Kaya ko nga inaaway si Yaya kasi si Yaya ‘yung gusto [ni driver]. Feeling ko ako ‘yung maid na parang ‘pag wala ‘yung mga amo, ako ang may-ari ng bahay. Ganun!"
On September 25 malaman ninyo kaya kung ano yung adlib at hindi kina Sheena, Michael V at Ogie? Huwag palampasin ang mga adventure at misadventure nila sa, Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie!
Siyempre huwag ninyong kaligtaan si Sheena sa patuloy na umaatikabong mga eksena sa Rosalinda sa GMA Telebabad!
Pag-usapan si Sheena sa mas pinagandang iGMA Forums! Not yet a member? Register here!
Kamustahin si Sheena via Fanatxt! Text SHEENA ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS SHEENA ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
-
1. Posted by sheenshell_1630
on September 11, 2009
yeah, ur ryt ate jo. tenks sau xe luv n luv mo idol q, lge q nga nppncn na ngcocoment k sknya. luv 4 dat. sheena my idol, gudluk sa movie mo, ppnuorin ko tlga 2 w/ my mudra.mizu
-
2. Posted by ate_jo
on September 9, 2009
wow, mukhang maganda ang movie kasi kasali si sheena! nonoorin ko yan, pramis ko sayo! si sheena ang pinaka magaling na young comedienne ng gma ngayon, sana i build up naman ng husto at mabigyan ng sariling primetime show.
















