Article posted September 08, 2009
Rating:
Sa mga nakaraang linggo, napanood na natin si Narda kasama na ang kanyang sidekick na si Carding na pumupuksa ng mga alagad ng kasamaan. Si Carding ay ang tanging nakakaalam ng tunay na pagkatao ni Narda, kaya naman ibang klase ang pagkakaibigan ng dalawa. Text by Erick Mataverde. Interview with Connie M. Tungul. Photos by Mitch S. Mauricio and courtesy of GMA Network.
At sa totoong buhay, tinanong naman ng iGMA sa Queen of Prime Time na si Marian Rivera kung gaano ba talaga ka-espesyal ang bonding nila ni Robert "Buboy" Villar, ang talented child actor who plays Carding. Incidentally, mas nakilala si Robert Villar sa ngalan ng "Buboy", ang pangalan ng character na ginampanan niya sa Dyesebel.
"Pangalawa pa lang [naming show na magkasama], sa Dyesebel at Darna pa lang. Naging break niya 'yung Dyesebel," ang kuwento ni Marian sa iGMA nang binisita namin siya sa set ng Darna sa Bulacan.
"Kasi hindi niya ako tinitingnan as Marian Rivera, tinitingnan niya ako as ate. Well, ganun din ako sa kanya, kaya siguro maganda 'yung tandem naming dalawa." dagdag pa niya ."Doon ako nagiging happy, dahil ibig sabihin lang nun pinagkakatiwalaan niya ako bilang ate, hindi bilang artista, or bilang Marian Rivera bilang ako, bilang tao."
At kamusta naman ang mga batuhan nila ng mga eksena sa Darna? Kapansin-panisn na maski pangalawang beses pa lang sila nagkakasama sa show ay kumportableng-kumportable na sila sa isa't-isa.
"Oo, kasi on-the-spot na 'yun eh, "Click!", pag nagsama kami sa eksena 'yun na 'yun eh. May something na [talaga] eh," tugon sa amin ni Marian. "At saka inborn na siyang ganun, ako din ganito na, kaya nag-swak talaga kaming dalawa. Alam mo, 'yung ganun? Hindi na kailangan pag-aralan automatic [na lahat]."
At speaking of kakaibang bonding, hindi naman maipagkakaila na ang dating ka-love team ni Marian na si Dingdong Dantes ay may espesyal na lugar sa puso niya. Kaya humingi din kami ng munting mensahe niya para kay Dong sa kanyang upcoming series na Stairway To Heaven kung saan nagkaroon ng matagumpay na special premiere screening kahapon sa SM Megamall.
"Message ko para kay Dong? Siyempre naging successful talaga 'yung Darna, [kaya] siyempre wish ko din na maging successful [din] siya." ang pahatid ni Marian. "Kasi kahit ano man ang mangyari, nasa likod niya ako, at ipu-push ko talaga siya -- nandito ako para i-push talaga siya.
"Andito ako para suportahan siya, kahit ano pa 'yan, kahit gaano kahirap pa 'yan, andito ako para sa kanya."
Speaking of support, ano naman ang pakiramdam ni Marian sa patuloy na pag-ani ng Darna ng suporta from the viewers at ng magagandang feedback bukod pa sa matataas na ratings?
"Happy ako, lalo na 'yung mga magagandang komento sa Darna 'di ba?" sagot niya. "'Pag may magagandang comments kang natatanggap sa ibang tao ay talagang nakakataba ng puso 'yun 'di ba? Masaya 'yun, wala nang comparison kahit papaano. Kaya laking pasasalamat ko rin."
Pag-usapan ang Darna sa mas pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
Kamustahin si Marian via Fanatxt! Text MARIAN [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS MARIAN and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
-
1. Posted by kayrjosh
on December 3, 2009
MARIAN SOBRANG GALING NI DONG BILANG CHOLOOOOO... hoping this coming year , mapapanood ko na ulit kyo ni dong... WE MIZZZU BOTH... BASTA ANG GALING DONG TLGA UMARTE... SO INNNNN GRABEEEE... UTOO MARIAN SEXYYY MO_saka UNG PG ARTE MO DARNA NA DARNA.... walang wala si angel na darna....
-
2. Posted by TEZY
on September 13, 2009
congratz ate yan s DARNA sna lalo png tumaas ang rating s nu jeje. godbless. =))
-
3. Posted by rozanne
on September 13, 2009
ang sweet tlga ni YAN- YAN! sOo bait pah! congratz nga pla! grabe,,ang taas ng ratings ng DARNA to the highest level n tlga! as in 38 pataas ang rating huh! luv u marian! 4EVER toh' pwomizz! proud 2b marianAddict! and proud 2b kapuso!
















