iGMA.tv      Articles      Video
Web            Photos
 
 
 
 
Highlights

Celebrity Duets is back!
Article posted August 29, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

"Let's duet again"- ito ang naging pahayag ni Regine Velasquez sa press launch ng season 3 ng 'Celebrity Duets'. Photos and press release courtesy of GMA Network, Additional text by Loretta G. Ramirez

starsIsa na namang grupo ng non-singing celebrities ang magpapagalingan at magpapabonggahan sa pagkanta on the Celebrity Duets stage para sa 1 milyong piso at para sa chance ng makatulong sa kanilang chosen charity group.

"Ikatlong season na po ito, siguro naman ang iba sa inyo nakapanood na ng programang ito. Ito po ang pinakamaningning, pinakasikat, pinaka sosyal na singing contest sa Pilipinas. Excited na excited na po kami and I'm sure ang mga manonood natin ay excited na rin dahil makikita nila ang mga tao pong nasa iba namang field and who will now try to sing," ang masayang pahayag ng Asia's Songbird na si Ms. Regine Velasquez during the press launch na ginanap noong August 24, 2009.

Kasama ni Regine sa show ang kanyang real-life partner na si Ogie Alcasid, kaya naman tiyak na walang kaparis na kasiyahan ang handog ng show na ito.

Nagbabalik din ang mga esteemed judges na sina Direk Freddie Santos, composer Danny Tan, at ang grand winner ng Celebrity Duets Season 1 Tessa Prieto-Valdez para i-critique ang nine contestants na sina aktor/producer Jomari Yllana, former beauty queen Janina San Miguel, costume at fashion designer Maxie Cinco, beauty maven Mikaela Bilbao, lord of scents Joel Cruz, award-winning actress/director Gina Alajar, Brazilian-Japanese model Akihiro Sato, fashion photographer Niccolo Cosme at WBA interim Super Flyweight World Champion Nonito Donaire.



Kaya huwag palampasin ang season 3 ng Celebrity Duets! Magsisimula na ang kantahan ngayong August 29, 2009 sa GMA 7.

Pag-usapan ang mga bagong contestants ng Celebrity Duets sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by raybd70 on August 29, 2009
    Is this to be shown on GMA Pinoy TV? We haven't seen the ad yet so we dont know if this is to be included on the shows that we have to watch out for. Please can you give feedback? Thanks and more power to GMA!

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.